Kill 19: Death?

889 33 1
                                    

Kill 19: Death?

Author’s POV

Tulala habang naka-upo sa lupa si Cyrus.Kanina pa siya niyuyugyog ni Mihara ngunit parang wala itong naririnig at paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ni Aihara,

“Aihara.. h-hindi.. Aihara.. A-aihara..” Cyrus

“Cyrus.. kumalma ka, walang maitutulong sayo at satin yang’ ginagawa mo..” wika ni Mihara ngunit kahit siya ay hindi mapigilan ang kanyang mga luha na walang hinto sa pag-agos, ngayon lang sila ulit nagkita ng kanyang kakambal.. ngayon lang ulit sila nagkasama at nagkausap pagkatapos ng mahigit na sampung taon kaya ganoon na lang kasakit sa kanya ang pangyayaring ito dahil hindi man lang siya nabigyan ng oras at panahon para makasama ang kanyang kapatid na matagal na niyang gustong makita.

“Hindi.. S-si Aihara.. s-si Aihara.. s-sabi niya hindi niya ako iiwan.. h-hindi! Hindi niya ako iiwan! Aihara!” sigaw ni Cyrus at nagtangka nanamang tumakbo papunta sa bahay na tinutupok ng napaka-laking apoy, mabuti na lamang at napigilan siya ni Mihara.

Maya-maya, dumating na sila Eric, Cyriel, Aria, Amayra, Kenneth at iba pang assassins kasunod ang isang Fire truck.

“Cyrus! Anong nang—M-mihara?!” Amayra

“Ako nga, Ate Amayra..” Mihara

“M-mihara.. buhay ka nga.. p-pero, nasaan si Aihara? Diba dapat kasama niyo siya ngayon?” Amayra

“Oo nga. Cyrus, nasaan si Aihara?” Kenneth

Tahimik lang si Cyrus habang nakatingin sa lupa, tahimik silang lahat.. parang alam na nila ang nangyari pero umaasa silang mali ang iniisip nila. Walang nagsasalita sa  kanila, nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita.

makalipas ang ilang minuto..

“S-si A-aihara.. I-iligtas natin siya.. p-please? B-buhay pa s-siya, alam ko.. ramdam ko!” Cyrus

“Anong ibig mong sabihin Cyru—“ 

At ikinabigla nilang lahat ang nakita nila ng mag-angat si Cyrus ng tingin sapagkat..

...

..

...

Umiiyak ito.

Ito ang unang beses na nakita nilang umiyak si Cyrus.

“C-cyrus.. a-anong nangyari? N-nasaan si Aihara? Nasaan ang pinsan ko..?!” wika ni Amayra

Hindi na nagsalita si Cyrus at tumingin lang sa bahay na tinutupok ng apoy, napahawak si Amayra sa kanyang bibig

“H-hindi.. hindi totoo yan! Nasaan si Aihara? Insan.. a-ano ba! lumabas ka na nga! H-hindi magandang biro ito!” sigaw ni Amayra at inilibot ang paningin sa paligid na tila ba may hinahanap,

“Amayra, kumalma ka..” pigil ni Cyriel kay Amayra

My Assassin Girlfriend's Alter EgoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora