Kill 17: Confrontation Part 1

992 30 3
                                    

Kill 17: Confrontation Part 1


Someone’s POV
“Saan ang exact location ng sinasabing pagtatagpuan nila?” 1
“Sa Rosecliff” 2
“Rosecliff? Diba abandonadong mansion yun sa tagaytay?” 1
“Yup, kaya nga doon sila magkikita kasi liblib yun. Ito yung Structure ng Rose cliff.. ito din yung plano ni Aihara.. tinutulugan kita kasi kaibigan kita, huwag mo akong ilalaglag! Huwag mo sasabihin kay Aihara na ako ang tumulong sayong makuha ang mga impormasyon na yan, nahirapan kaya akong i-hack yung laptop niya para makuha yan!” 2
“Makakaasa ka, maraming salamat…

Eric.” 1

Aihara’s POV

“Hara.. di ko na ba talaga mababago ang isip mo?” Cyrus
“Hindi na, Cyrus. Alam mong all my life, hinintay ko tong pagkakataon na to, ang makaharap sila at maipaghiganti ang kapatid ko, pero ngayon..  may bonus pa dahil buhay pala ang kapatid ko, I can save her this time.” Ako
Ngayon na ako makikipagkita sa Blue Fangs, Isang oras na lang.. at makakaharap ko na sila.

I’ll kill them.. I’ll fucking kill them! I’ll strangle them to death!

Sinubukang hawakan ni Cyrus ang kamay ko pero iniwas ko yun. I told you, panandalian kong pinatay si Aihara.. si Ami, ang 5th Grave Panel member na si Ami ang buhay at hindi ang mahinang si Aihara.

“Aihara..” di ko siya pinansin at naglakad ako papunta kay Eric na ngayon ay tahimik at seryosong nakatingin sakin,
“Eric.” Ako

“B-bakit?”
Kanina ko pa nahahalatang balisa si Eric at parang di mapakali. Everytime na titingin ako sa mata niya, parang may nakikita akong Guilt at bigla niyang iiwas ang tingin niya sakin.. something’s wrong. Pero wala na akong oras at pakialam sa kanila, I need to focus on my mission.

“Nakahanda na ba yung mga pinahanda ko sayo?” ako

“A-ah, oo. Nandiyan na sa backpack ang lahat ng kakailanganin m-mo..” Eric
“Good.”

“Nai-ready ko na ang EMB sa labas, inupgrade ko din siya ng konti. Ang suot mong contact lens ay bagong invention ng Advanced Technology  Department. Kapag kumurap ka ng tatlong beses, ma-aactivate siya at makikita mo ang structure sa paligid mo, tumatagos siya sa walls kaya makikita mo lahat within it’s maximum range.” Eric

I nodded.

“Yan naman suot mong Black suit, Bullet proof yan though hindi halata.. Tried and tested na yan. Yung mga clip naman na ginawa mong tali sa buhok, hindi siya simpleng clip lang, may maliit na button don at pag pinindot mo, may lalabas na talim sa dulo ng clip na merong poison.” Eric

Sinoot ko na ang hostel sa baywang ko at nilagay doon ang dalawang baril, meron din akong maliit na knife na nakasabit sa bandang thighs ko.
Inipit ko ng ponytail ang buhok ko at sinoot na ang backpack.

Walang sabi-sabing tumalikod ako at naglakad na papalabas. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin pero hindi ko lang sila pinansin.

Bago ako makalabas ng pinto, I took a glance of Cyrus.. at nakita ko ang mga malulungkot niyang mata na nakatingin sakin. Kumirot ang dibdib ko.

If we’re really destined for each other.. we’ll probably meet again.. but if not..

Maybe, it’s not our time.

Pagkalabas ko, dumiretso agad ako sa EMB at sinoot na ang helmet ko, aalis na sana ako ng  biglang may tumawag sa pangalan ko,

“Aihara Useda Choi!” lumingon ako at nakita ko ang humihingal na si Cyrus
Nakatingin lang ako sa kanya,

“Hindi na kita hihintayin!! Wala namang kasiguraduhan ang pagbabalik mo diba? Kaya hindi na kita hihintayin pa!” sigaw ni Cyrus at tumalikod na.

Sapat na ang mga katagang yun para tumulo ang mga luha sa mata ko, mabuti na lang nakasara na yung helmet. Hindi ko siya sinagot at pinaharurot ko na yung EMB.



‘Hindi na kita hihintayin!!’

‘Hindi na kita hihintayin!!’

‘Hindi na kita hihintayin!!’



Para akong tanga. Diba sabi ko pinatay ko na si Aihara? Pero bakit ganto.. yung mga luha ko.. ayaw tumigil..

Pero wala na akong oras para isipin pa ang nararamdaman ko.. I need to save my sister.. she’s my priority right now.

*BZZT BZZT*
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, pinindot ko iyon at isinuot sa isang tainga ko ang earphone
“Hello” ako

“Aihara Useda Choi..”

Sumama ang timpla ko. Ang boses na yun.. ang boses ng replica ni Satanas

“Papunta na ko. Hindi mo ko kailangang tawagan.” mariin kong sabi

“hahaha sinisigurado ko lang. Baka kasi hindi ka pumunta at naisipan mong pabayaan na lang ang kapatid mo diba? Ayoko namang maghintay sa wala, pwede ko naman patayin tong kapatid mo ano mang oras eh hahaha!” Aril

“Dadating ako! Malapit na ako! Don’t you dare lay a hand on my sister!” ako

“Hahaha! I can’t promise you that. Madali akong mainip, kapag wala ka pa dito within 15 minutes.. may mga lalaking kanina pa naglalaway sa kapatid mo.. hahaha!” Aril

“Padating na ako! Don’t let them touch my sister!” sigaw ko at pinatay na ang tawag. Mas pinaharurot ko pa yung EMB.

Konting tiis na lang Mihara.. parating na ako.. hold on. I’ll save you.


*Rosecliff*
Agad kong pinarada ang EMB at hinagis na lang kung saan yung helmet ko para tumakbo papunta sa pinto, nakabukas na iyon kaya agad akong pumasok

“Aril? Nandito na ako! Nasaan ang kapatid ko?!” sigaw ko pero walang sumasagot, tanging kandila lang ang nagbibigay liwanag sa buong abandonadong mansion na to.

“Aril! Nandito na ako! Lumabas ka!” sigaw ko at patuloy lang sa paglalakad

*SFFFXXXXX*

(A/N: Tunog po ng kulog yan hahaha!)

Napatingin ako sa malaking bintana, umuulan pala.
“ARIL!” sigaw ko

Umakyat ako sa hagdanan. Maririnig mo ang tunog ng bawat lakad mo, bukod kasi sa tahimik.. marupok na yung hagdanan na gawa sa kahoy—narra to be exact.

Malapit na ako sa taas na may marinig ako akong ingay.

“HHHHMPPPP!”

Sinundan ko yung ingay..

“HHHMMMMP!”

At napunta ako sa isang kulay puting pintuan, hinanda ko ang baril ko at dahan-dahan binuksan yung pintuan,

tinutok ko yung baril ko.

“HHHHMMMP!”

Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong babaeng nakatalikod mula sa akin, nakatali siya sa isang upuan at nakabusal ang bibig. Unti-unti akong lumapit sa kanya at ng makarating na ako sa harapan niya..

Napatakip ako ng bibig

“M-mihara.. ikaw b-ba.. y-yan..” nabitawan ko ang baril ko at napaluhod

Nanginginig na tinanggal ko ang busal sa bibig niya

“M-mihara.. i-ikaw b-ba yan.. s-sabihin mong oo.. please..” hindi ko alam pero... parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko..

“A-ate.. A-ihara..” nanghihina niyang sabi at nakita kong may pumatak na luha sa mga mata niya,

Nang tawagin niya ang pangalan ko, automatic na tumulo na ang mga luha ko.

“M-mihara!” at niyakap ko siya ng mahigpit

“M-mihara.. s-sorry.. kasalanan ko to.. sorry.. patawarin mo a-ako..”

“W-wala kang k-kasalanan..a-ate..” Mihara

Humarap ako sa kanya,

Puro pasa at sugat siya. Ang puti niyang damit ay puro bahid at mantsa ng dugo. May mga paso siya sa iba’t ibang parte ng katawan niya, halos buto’t balat na siya at may mga latay din siya.. lalong sumikip ang dibdib ko,

Lahat ng to.. pinagdaanan niya at mag-isa lang siya.. wala kami para damayan o iligtas siya.

Sampung taon.. sampung taon siyang naghirap.

“Ililigtas kita dito, Mihara. Iaalis kita dito!” ako

“A-ate.. u-umalis kana.. h-hindi ka na dapat pumunta d-dito.. p-patibong lang to.. papatayin ka n-nila.. papatayin nila tayo pareho…” Mihara

Ngumiti ako,

“Alam ko, pero hindi ko hahayaang mamatay ka Mihara. Sobra na ang naranasan mo, ililigtas kita dito. Kahit buhay ko pa ang kapalit.” Sabi ko at tinanggal na siya sa pagkakatali.

“Tara na!”

Aalis na sana kami ng biglang..

“Not so fast, Aihara Useda Choi.” Nakangising sabi sakin ng isang babae habang may nakatutok na baril sakin, may kasama siyang limang armadong lalaki. I clenched my fist, at itinutok din sa kanya ang baril ko.

“Maria Lyssa Go.” Mariin kong sabi at itinago sa likod ko si Mihara.

My Assassin Girlfriend's Alter EgoWhere stories live. Discover now