Kill 10: Heartbeat

1.2K 35 1
                                    

Kill 10: Heartbeat

Aihara’s POV

“Kenneth!  Bilisan mo, ano ba? male-late na tayo, gatecrashers na nga lang tayo late pa,”

Sigaw ko habang walang pakundangan na kinakatok ang pintuan ng kuwarto niya. Paano ba naman kasi? 8:00pm ang umpisa ng party na pupuntahan namin pero 7:15 na hindi pa siya tapos magbihis, hello? magbiya-biyahe pa po kami!

“Oo palabas na!” sigaw niya

“Bilisan mo, kanina mo pa sinasabi yan. Hintayin kita sa Parking lot.” Sigaw ko at naglakad na papuntang parking lot.

Ano nga ba yung pupuntahan naming’ party? Well.. hindi po kami magsasaya, yun po yung mission namin—ang patayin ang mismong host ng party na yun. Napag-planuhan naming’ sa ginawa niyang party namin siya dedespatsahin para malinis at mabilis kaming makaeskapo, marami kasing tao kaya hindi kami madaling mapapansin at makikita.. plus, madaming pwedeng pagtaguan sa building na yun.

Kung sino man ang nag design ng building na yun.. well, I’ll give him an F as in.. Major major Fail! Pwedeng gawing slaughter house yung style eh hahaha.

Pagkarating ko sa parking lot, agad kong hinanap yung Bugatti super sport ni Kenneth dahil yun ang gagamitin namin, sumandal ako sa pinto nun at tahimik siyang hinintay.

Nakasuot ako ngayon ng isang tube dress na color black na hanggang sakong ko at may malaki siyang slit sa left leg ko, backless din siya. Nakasuot ako ng killer heels na color silver na may hand gun sa takong habang sa right thigh ko naman na natatakpan ng dress ay may nakakabit na hostel na naglalaman ng swiss knife at poison syringe—poison syringe na within 10 seconds deads ka na. Yun yung gagamitin ko para mapatay si Enrico De Manuel na siyang Host nitong party.

“Dumating ka rin,” bungad ko kay Kenneth na kakarating lang.

“Hello too, Gorgeous.” Mapang-asar niyang sabi. Inirapan ko lang siya at  sumakay na sa passenger’s seat, sumakay na rin siya sa driver’s at umalis na kami kaagad.

“You look.. hot.” He said while driving

“Matagal na no, bolero. Ikaw din, you look Dazzling.” Sabi ko naman, totoo naman eh. Guwapo naman siya sa suot niyang three-piece suit..  well, halos lahat naman ng suot niya, mapa sando oh t-shirt guwapo pa rin siya eh.. pero mas guwapo pa rin ang Cyrus baby ko! Waaah! Namimiss ko na siya

..

...

....

..

Kaso kailangan ko ng mag move-on.. kahit hindi naman naging kami.. magmo-move on ako! Hohoho.

“Syempre. Dapat guwapo ang escort ng isang magandang binibining katulad mo” sabi niya at sandaling tumingin sa side ko para kumindat. Inirapan ko lang siya.

Binuksan ko na ang mic na nakakabit sa left ear ko, yung mickey na connected kay Eric.

“Ami here,” 

“Oh Ami. Ayos na ba ang lahat? May kailangan ka ba?” Eric

My Assassin Girlfriend's Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon