CHAPTER NINE Bonding muna

104 4 3
                                    

Nagtatakang tinignan niya ito, pero pinalis niya agad iyon.

Dati kasi ay excited ito tuwing may bago itong ibabalita sa kanya.

“Here. Para hindi ka na magtampo.”

May iniabot ito sa kanyang picture ng isang guwapong lalaki.

“Half-australian and half-pinoy, meet my boyfriend Luke San Andres.”

“Hmmm... guwapo siya.”

“Uh huh.”

Tinignan niya ang kanyang kaibigan. Hindi niya makita sa mga mata nito na masaya ito sa kung anong relasyon meron ito ngayon.

“Oh,” ibinalik na niya ang larawan dito.

Kinuha naman nito ang iniabot niya. Sabay tumayo ito.

“Tara Phoebe!”

“Saan?”

“Kahit saan.” Bago pa siya makapiyok ay hinila na siya nito at dahil nasa mall sila ay pumasok sila sa isang spa.

“Teka Jen, anong---”

Kung pera ang problema, don’t worry its my treat.”

Pagpasok namin ay agad kaming binigyan ng massage treatment, foot spa, body spa at kung ano-anong spa treatment. Kahit na may panggastos ako ng ganito hindi ako mahilig magpa-spa. Napipilit lang ako minsan ng mommy ko para daw mawala daw yung sakit sa katawan ko.

Pagkatapos ng lahat, grabe parang nabanat ako doon huh? Lahat yata ng dumi sa katawan ko nawala. Ang sarap nga talaga magpa-spa!

“Thank you Jen.”

“Wala iyon. Thank you din.”

“Para saan?”

“Kasi friends pa rin tayo.”

Nagtatakang tinitigan niya ito. “Bakit, nag-away ba tayo?”

“I mean, yung tungkol kay---”

“Hep!” ikinumpas nya ang kanyang isang kamay upang patigilin ito. “Akala ko ba kaya tayo nag-unwind eh para makalimutan sandali ang problema. Kaya don’t say BAD WORD, okay?”

She heard her chuckle. “Okay, I’m sorry.”

“Tara!” Ngayon siya naman ang mag-aaya.

“Saan?”

“Kahit saan”

“Gaya-gaya lang?”

“Tara na! Dami pang sinasabi eh.”

Hinila na niya ito patayo. Napagpasyahan niyang pumunta sila sa World Of Fun.

“Wait, what are we doing here?” tanong nito.

“Magtititigan?” asar na sagot niya.

Napanganga ito sa sagot niya at pinukol siya ng matalim na tingin.

“Hahaha... Peace tayo Jen, hahahah joke lang. Siyempre maglalaro tayo.”

“Maglalaro?” tanong muli nito.

Napangiwi siya. “Hindi kakain tayo. Ano ba? Halika na nga!”

Nagpatinaod naman ito. Naglabas siya ng 100 pesos at inubos iyon pambili ng token.

“Pabili po ng token,”

Inabutan naman siya ng cashier. “Enjoy ma’am!”

“Thank you po.” Nang balingan niya ang kanyang kaibigan nakita niya ito na tumitingin sa machine kung saan may nakukuhang laruan. Napingiti siya at agad na niya itong nilapitan.

“Jeng, want to try?” sabay abot niya ng isang token.

Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito. Kinuha na nito sa kanya ang ibinibigay niya. Ipinasok nito ang token sa machine at agad na pinaandar ang control sa machine. Pinili nito ang hello kitty na kulay pink. Napatili sila ng makuha nila ang stuffed toy!

“Eeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!! Ang galing mo Jeng!!!!!”

“Aaaaaaaa... oo nga! Try pa tayo! Isa pa please? Para meron ka din.”

“Okay.” Muli nilang sinubukan at pinili niya ang isang unggoy.

Grabe, bakit kinakabahan ako? Eh laro lang naman ito? Heheh parang tanga lang? Sa bagay, nakakakaba naman kasi talaga eh, kailangan kasi makuha ang stuffed toy para masaya. Hehehe....

Napagpasyahan niyang ipasa sa kapalaran ni Jeng ang pagkuha ng laruan, nagcross finger siya habang nakatingin sa laruan. Please............ +_+

Ayan na bumababa na malapit na ang oras. 5 seconds, 4, 3, 2....

---*to be continue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Heartbeat speaks for a FreakWhere stories live. Discover now