CHAPTER FIVE- Enrollment

86 2 1
                                    

Malapit nang magpasukan. Excited siya dahil makakasama niya si Jennifer sa klase. Pareho kasi sila nang kurso napagpilian. Veterenary, mahilig kasi silang pareho sa mga hayop.

Maaga siyang gumising para mag-enroll ngayon. Habang naglalakad siya ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag sa kanya si Khail.

“Hello?” tanong niya rito.

“Phoebe, mag-eenroll ka na?”

“Oo, kayo kailan?”

“Tamang-tama sabay na tayo.”

“Okay sige, eh yung tatlo?” na ang tinutukoy niya ay sina Scarlet, Khloe at Ashley.

“Ahm... eto tatawagan ko pa lang sila. Eh, kasi nag-out of town kasi ang mga iyon. Pero ang alam ko narito na rin sila.”

“Okay, I’ll see you then.”

“Sige.”

In-off na niya ang cellphone niya. Malapit lang ang school sa lugar nila kaya walking ditance lang iyon.

May bumusina sa likod niya. “PEEP!”

Eh? Napedestrian lane na nga ako bubusina pa? Hindi niya iyon pinansin.

“Phoebe Jean!”

Sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya sa may ari ng boses na iyon. Nang masulyapan iyon ay nakita niya ang isang lalaking lulan ng isang motor bike.

Huminto iyon sa harap niya. “Hi.”

Pinagmasdan muna niya kung sino iyon. Ipiniling niya ang kanyang ulo sa kanan pakaliwa. Inilibot niya ang kanyang paningin mula ulo hanggang paa nito.

Guwapo iyon at nakakaadik din ang ngiting ibinibigay sa kanya. Nang maalala niya ang lalaking sa terminal na nakasabay niya.

“Dylan?”

Muli na naman nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti. “Akala ko hindi mo na ako kilala.”

“Teka, paano ka napadpad dito?”

“Dito ako nakatira.”

“Y-you mean dito sa village na ito?”

“Uh huh.”

“Pero bakit ngayon lang kita nakita dito?”

“Ah, kasi kalilipat lang namin dito noong isang linggo. Matagal na kitang nakikita rito hindi mo lang siguro ako tiningnan kaya hindi mo ko maalala.”

“Oh, sorry.  Pero kung dito ka na nakatira, that’s great! Welcome to the village!”

“Thank you. Saan ka nga pala pupunta?”

“Sa school. Mag-eenroll, ikaw?”

“Mag-eenroll din.”

“Really,  cool!!!”

She heard him chuckled. “If that’s the case, you want to hunch?”

“Nakakahiya.”

“Puwes hindi sa akin uso ang hiya-hiya.”

Hinila siya nito at pinapuwesto na sa likod nito. “Here, suot mo.”

May ibinigay ito sa kanyang head gear. “Thanks!”

Binuhay na nito ang makina. “Oh, kapit na baka malaglag ka pa diyan.”

“Eh ---”

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang nitong hilahin ang kanyang mga kamay at ipinuwesto sa bewang nito.

“Let’s go!”

Ayun at humarurot na nga ang sasakyan nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili pero parang napakasarap humimbing sa malapad na likod nito.

Try ko lang ah... Ipipiling pa lang niya ang kanyang ulo ay muli itong nagsalita.

“Andito na tayo.”

EH? Oo nga pala malapit lang yung school nila. Tanga mo talaga Phoebe!!! Isa kang dakilang Day dreamer!!

Bumaba na siya sa pagkakaangkas dito. Inalis niya ang head gear at ibinalik iyon kay Dylan.

“Salamat.”

“Wala iyon.”

Nang maglalakad na siya ay hinablit ni Dylang ang kanyang braso upang pigilan iyon.

“Wait, hintayin mo na ako.”

Oh! Oh! Tsk. Bad manner. “A-ah... o, sige.”

Ngumiti lang ito. Habang hinihintay niya ito ay nakita niya ang mga babae doon na sinusundan nang tingin si Dylan. Wow! Ang dami agad fans!!! Sa bagay guwapo naman kasi talaga ito. Matangkad, palangiti, mabait at gentleman. A dream guy should she say.

Nang makabalik na ito ay dali-dali itong pumuwesto sa tabi niya. “Tara na.”

“Sige.”

Habang naglalakad na sila ay napansin niya naroon pa rin ang mga mapanuring mata ng mga tao.

Ibang klase karisma ni Dylan. Pagkapasok nila sa gate ay saktong pagdating din ng kanyang kaibigan na si Jennifer.

“Peng... hay grabe! Traffic!!! Sorry, late na ba ako?”

“Hindi naman. Take your breath. Kararating lang din namin.”

Ngayon lang marahil nito napansin ang kanyang katabi.

“Jen, this is Dylan Andres. Dylan, this is Jennifer Magbitang, my friend.”

Nagkamayan. “Hello, nice to meet you.” Dylan said.

“Same here.”

“PHOEBE!!!!”

Nilingon niya ang may-ari ng boses na iyon. Nakita niya ang malaking bulto ng kanyang kaibigang si Khloe.

“Oh, Khloe!”

“Hays, grabe... nakakagutom maglakad papunta dito.” Sabay subo n sandwhich na hawak nito.

Napailing siya. Nakita niya na nakatitig lang ang kanyang dalawang kasama dito.

Tumikhim siya. “Ahm, Khloe maistorbo kita puwede?”

Tumango lang ito. “Khloe, ito nga pala sina Dylan at Jennifer my childhood friend.” Nagkamayan.

“Dito rin sila mag-eenroll.”

“Really? That’s nice!!!”

“PHOEBE, KHLOE!!!”

Sabay nilang nilingon ang tumawag sa kanila. This time it was Scarlet and Ashley handling a guitar.

“Oh, saan ba gig niyo at mukhang galing pa kayong lamay ah?”

Natawa sila. Napakalalim kasi ng mga mata ng dalawa. “Eh, kasi may amerikanong hilaw na request ng request ng kanta hanggang 1:00 am. Wala pa ako halos tulog dahil na rin sa biyahe galing Laguna.” Sagot ni Ashley.

Magkabanda kasi itong dalawa, si Scarlet ang vocalist at si Ashley ang gitarista. May kasama pa silang dalawang lalaki.

“Ah... kaya paka mugtong-mugto iyang mga mata niyo.”

Sabay tumango ang dalawa.

Muli niyang ipinakilala sa dalawa sina Dylan at Jennifer. Naging masaya siya dahil tanggap ng kanyang barkada ang mga ito.

ATTENTION TO ALL FRESHMEN, TO ALL FRESHMEN. PLEASE DO PROCEED TO THE COURT.

Inulit nito.

ATTENTION TO ALL FRESHMEN, TO ALL FRESHMEN. PLEASE DO PROCEED TO THE COURT.

“Hala, wala pa si Khail.” Biglang sabi ni Khloe.

“Oo nga, siya pa naman tumawag sa amin na agahan daw.” angal naman ni Ashley

Nag-alala siya bigla nang maalala niya si Trevor. Alam niyang magkasabay ang ang magpinsang iyon.

“Tara na nga, magtetext na lang iyon.”

****later****

My Heartbeat speaks for a FreakWhere stories live. Discover now