Chapter 1 - Introducing my freak prince

144 3 5
                                    

CHAPTER ONE

“ONE, TWO, THREE,” kainis ba’t kasi ako taya. Eto naglalaro kami ng tagu-taguan nina Mikhail Louise, Scarlet Marie, Khloe at Ashley Keen sa bakuran nila Khail. Mga isip-bata kasi kaming lima.

SLOW mates – Tinawag namin ang aming grupo na SLOW mates kasi napakaslow namin. Kapag may nagjoke kailangan munang iabsorb para maintindihan tapos sabay tatawa. Hays, pero hindi kami ganyan sa pag-aaral, masisipag kami. (Ows?) Tsaka pinapahalagahan namin ang pag-aaral. Kami ang magkakaibigan na super kung mag-asaran, humalaklak at mag-prangkahan. Minsan na rin kaming napapagalitan dahil sa lakas ng tawa namin na umaabot sa kabilang classroom lalo na kapag may vacant time kami. Wagas-wagasan lang eh ‘no? Magkakaklase kami since first year high school pero dahil sa iba-iba kami ng gusto sa buhay nagkahiwa-hiwalay kami pero we are attending the same school ngayong mga college na kami.  We love each other and we are bonded as if we are true sisters.

“Game! Andyan na ko... nasaan na kayo.” Grabe, wala akong marinig na kaluskos kahit saan. Humakbang ako malapit sa drum. May magtatangka kayang pumasok sa maduming drum??? Eww.

Pink Phantom sound effect....

Walk like a mouse.

Nang silipin ko kung may tao eh wala naman akong nakita. Pero pumalakpak ang tenga ko ng marinig kong bumahing ang isa sa kanila ---- si Khail!!! Yes... Napakaallergic talaga ng babaeng ito sa mga alikabok. Lumingon ako at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang water gun!!!

-------- SPLASH !!! --------

“Teka –” grabe nalulunod ako... kahit hindi malalim yung tubig, eh paano sa mukha ko mismo tumatama yung tubig.

“Hahah...” narinig kong tumawa sila.

“Sanda---” hindi ako makapagsalita. Ano ba iyan kakaasar. Hindi, kaya ko ito hindi ako magpapatalo sa mga ugok na ito.

“ Ano ba, sabi ng ta--------”

Hindi ko pa nga natatapos ilabas yung inis ko itinigil na nila? Nang buksan ko mga mata ko. Nakita kong hawak ni “Trevor” ang water gun ni Ashley.

Si Trevor ay pinsan ni Khail. He is my ultimate crush. Kaso itong lalaking ito ay may napakasamang budhi. His presence annoys me every time he teases me and vice versa. Ewan ko ba kung bakit ko crush ang isang ito. Hays! Nakakainis alam kong may binabalak na namang masama ang freak na ito.

At hindi nga ako nagkamali dahil rumagasa muli ang mga water gun nila. Kumaripas ako ng takbo kahit saan. I decided to run in to the house. Kahit pagalitan ako ni Tita Alma, ang mommy ni Khail.

RUN DEVIL RUN

You better run, run, run, run, run...

Pero natapos ang pagkahibang ko dahil biglang may humawak sa braso ko at kasabay niyon wala na ring humahabol na tubig. YEHEY!!!

Nang tanawin ko ang mga kaibigan ko patuloy pa rin sila sa pagbabasaan. My forehead knotted, nang mag-angat ako nang mukha nakita ko si Trevor boy titig na titig sa akin. Shit! Guwapo niya talaga, matangkad, chinky eye, at matalino ang kaso alaskador. Ang hilig mang-asar!!!

“Where are you going?”

SAGOT DALI!!! Pagkakataon mo na ito girl, kayong dalawa ang magkausap. Walang istorbo.

“Ah... eh, magbibihis na ako. Masyado ng malamig.” S-M-I-L-E =)

“Tara bihisan na kita.”

“A-ano?” grabe, lakas talaga ng topak nito. Sarap hambalusin!!! Buti na lang ano kita.... kung hindi!!!

“Bingi ka ba? Ang sabi ko bibihisan na kita.”

Aba sinabihan pa akong bingi.

“Are you insane? Eh bakit naman ako magpapauto sa iyo? As if naman ‘noh?” kainis kung hindi lang ako nanghihinayang mapungasan iyong mukha niya. Matagal ko na siyang dinos-purdos. Argh!!

“Sus, kunwari pa ang baby ko.”

“Mukha mo! Bitiwan mo na nga ako.” Kanina pa pala niya ako hinahawakan sa braso. Ano ba iyan nagpadala na naman ako. Tsaka BABY? Hindi ko naman pangalan iyon ah.

“NO.”

“What? I said get rid of me!” naasar na talaga ako, pigilan niyo ako. GRRR!!! Pero to the fullest makatitig ang isang ito. Nangangatog na nga ako sa lamig nakisabay pa itong tuhod ko. Naman eh...

“Why are you blushing? Sabi na nga ba at patay na patay ka sa akin eh. Kinikilig ka ‘no?”

“Hala!!! Kapal talaga ng apog mo. Sira ulo, patingin ka na sa utak. Naghahallucinate ka na.” OMG! Am I really blushing? This can’t be.

“You’re really cute baby jean. I love teasing you all the time.” With a smile like this à =D

“Sige, pakasaya ka lang! Laugh out loud Trevor. Go ahead no one stops you.” Huh! Kala nito magpapatalo ako? No way! Nang mapansin kong natigilan siya agad ko siyang tinignan. Ewan ko pero parang nakita ko sa mga mata niya na parang he regret what he did to me. Gosh... pero bakit? Ang lalaking ito magsisisi sa ginawa niya? Mukhang magugunaw na yata ang mundo. Ako yata ang dapat ng magpakonsulta. Mga imposibleng bagay na kasi itong mga naiisip ko eh.

“Sige na, magbihis ka na. At baka mahawaan pa kami ng virus mo kapag sinipon o nagkaubo ka.”

“Aba’t --- Achooo!!!!!!!!!!!!! Bless me.” +_+ hays, nagdilang anghel nga itong mokong na ito. Heto at welcome sneeze. Bigla niya akong itinulak papasok ng bahay nina Khail.

“Here. Maligo ka na agad. Para hindi na iyan magtuloy-tuloy.” He gave me towel and bathrobe. SWEET hahaha... grabe first time yata na naging concern sa akin si Trevor. ^_^

“Tha---” Talikod mode. Parang sinabi niya pa sa akin na ‘thank to my back sweetie!’

Ay ganon? Parang bubbles, biglang nawala? Bastusing bata oh! Pambihira, ayaw niyang pasalamatan ko siya? Psss… baliktad talaga utak, pero nagtataka talaga ako sa kinilos niya kanina. Siya ba talaga iyon? Ang Trevor “Freak” Maxwell na kilala ko na mahilig mang-asar? Baka may pinaplano lang iyon na kapilyuhan kaya nagpapakabait. Sige na maliligo na ako at saka ko na lang iisipin ang ebolusyong nangyari sa kanya.

My Heartbeat speaks for a FreakWhere stories live. Discover now