CHAPTER TWO-A Bittersweet Memory to share

91 3 0
                                    

Paglabas ko sa kuwarto nakabihis na rin ang mga kaibigan ko. Nakaupo sila sa may kubo. Nanlumo ako ng hindi ko nakita na kasama nila si Trevor. Umalis na kaya siya? Hindi ko man lang siya nakausap. At nasagot naman ang tanong kong iyon ng makita ako ng mama ni Khail.

“Hija, ano pang minumuni-muni mo diyan? Puntahan mo na sila doon at hintayin niyo na lang si Trevor. Inutusan ko kasing bumili ng makakain niyo.”

Si Trevor nauutusan? Talaga? “Ah, sige po tita. Salamat!”

Hindi ko akalain na may pakinabang din pala ang isang iyon. Mabait din naman pala ang isang iyon.

Naglalakad na ako papunta sa kanila.

“Oh, nandito na pala si nemic.” Bulyaw agad sa akin ni Khloe

“Psss...” +_+ ako na naman ang nakita ng mga ito.

“Phoebe, kamusta. Ano hindi ka man lang ba magpapasalamat?” ani ni Khail.

Kumunot noo ko. “Saan? Sa pagbasa niyo sa akin gamit ang water gun?”

“Yup.”

“Wow! First time in the history na mayroong magpapasalamat dahil binasa siya ng walang laban.”

“At first time in the history rin na naging concern sa iyo ang dear cousin kong si Trevor.”

“So? Tsaka hindi naman siya concern nang-aasar pa nga eh. Sabi pa niya sa akin na siya na daw magbibihis sa akin.”

“What!” sabay sabay silang sumigaw.

“Teka, hindi naman kayo niyan naninigaw. Tignan niyo na nang-aasar siya di ba?”

“Ang bobols mo talaga.”

“Bakit?”

“Eh, kasi pagkakataon mo na iyon girl.” Wika sa akin ni Ashley

“Pagkakataon na?”

“Ay!!!! Ang hina talaga nito.” Pakli ni Scarlet

“Saan nga kasi diretsuhin niyo na. Pasuspense lang?”

This time Khail talks. “Girl, chances is a opportunity to grab.  Nagkasarilinan na kayo kanina tapos binalewala mo lang.”

“Alam niyo hindi ko pa rin maintindihan eh. Ano ba kasi yung binalewala ko?”

“Sana ginahasa mo na.” Sabi agad ni Ashley.

“Sana niyakap mo na.” Dagdag ni Khloe.

“You should kiss him.” Scarlet said.

“Lastly you should confess to him.” Khail uttered.

I froze. Talaga bang ang mga sinabi nila ay dapat ginawa ko kanina? Ginahasa? Mali naman ata iyon. Yakapin? Pwede pa. Halikan? Hmp, eh wala nga sa loob-loob kong magagawa ko iyon no. Pero ang magtapat sa kanya?

“O ano? Natameme ka nemic?” putol sa kanya ni Khloe.

“Ayan, hindi ka kasi talaga nag-iisip sayang.” Si Scarlet naman ang nagsalita.

“Teka, hindi ko agad magagawa iyon ‘no? Hindi ako handa.” Makademand lang? Ganoon lang ba iyon kadali?

“Eh, kailan ka pa magiging handa kung kailan may girlfriend na siya?” sabi sa kanya ni Khail

My Heartbeat speaks for a FreakWhere stories live. Discover now