Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CP3:The Show

427K 7.4K 1.9K
                                    


Bago magsimula ang klase, isa-isang ipinamigay ang sari-sariling kopya ng kanilang class picture. Masayang naglilipat ng upuan ang ibang studyante sa loob ng kwarto. Nag-aasaran, nagtuturuan at kung anu-ano pang biruan habang tinitigna't ipinagkukumpara ang bawat isa sa kanilang sarili. After maidistribute ang mga litrato, mayroong inanunsyo si Ms. Gomez sa klase.

"Class, may film showing tayo mamaya sa AVR tungkol sa ating school. Doon na lamang kayo dumiretso after ng break, okay?" Mahinahong utos ng guro sa klase.

"Yes Ma'am." Sabay-sabay na sagot ng mga studyante. Sinimulan na ni Ms. Gomez ang pagtuturo sa kanyang klase. Karamihan sa kanila'y tahimik na nakikinig habang nagtetake-down notes. Ang iba naman ay palihim na natutulog habang naglelecture ang kanilang guro. Ang tanging wala lang sa kanila ngayong araw ay si Melcy Limson, ang president ng school newspaper ng paaralan. Pinagbibigyan siya ng kanilang adviser na hindi pumasok ng isang beses kapag malapit na ang release ng school journal. Sinisigurado rin ni Melcy na kumpleto siya sa school works na ipinapagawa ni Ms. Gomez bago asikasuhin ang school newspaper.

Isa-isang lumabas ng classroom ang mga studyante nang marinig nila ang school bell. Gumawa sila ng dalawang pila bago tuluyang maglakad pababa ng Academic building. Naagaw ang atensyon ng buong section nang sumalubong sa kanila ang promotional poster ng school newspaper sa canteen. Puti ang papel na ginamit na may itim na sulat. Kapansin-pansin ang mga salitang ginamitan ng red marker. Nilagyan niya rin ng disenyo na parang dugo sa gilid ang poster, kaya naman nagmukha itong katakot-takot. Nakahayag sa poster ang pagdedescribe ni Melcy ng kanyang nararamdaman sa sariling section.

# # #

Venillian Chronicles

Greetings Venillians! I, Melcy Limson, President of the journalism club, solemnly swear to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth in every possible way I know. I wrote this to give our fellow students a fair warning to stay away from the cursed sixth class of the seniors. I can prove to all of you that the rumors are true! There is a wolf hiding in a sheep's clothing in our classroom. A descendant from hell disguised as an angel. Every time I enter the class, I always have this heavy feeling around me. You can also sense that there's always someone watching your actions from afar.

If you don't want to be involved in their demonic activity, stay away from Satan's class! It's better to be safe than sorry. If you're interested to know more, grab a copy of our recent school newspaper.

Melcy Limson

Journalism Club President

# # #

Nang makita ng sixth section ang ginawa ni Melcy, agad kumilos si Erika. Pinunit niya ang promotional poster at agad hinanap ang kaklase. Hindi siya nagpaapekto kahit na sinusundan siya ng tingin ng bawat studyanteng madaanan niya. Nakita niya si Melcy na nakaupo sa bench malapit sa basketball court ng kanilang school. Kumakain ang dalaga ng isang clubhouse sandwhich habang may binabasa. Malayo pa lamang si Erika nang mapansin siya bigla ni Melcy.

"Hoy ikaw! Ano 'tong poster na 'to?!" Nanggigigil na tanong ni Erika habang nakataas ang kanyang hawak na poster. Nakatingin siya kay Melcy habang mabilis na naglalakad papunta sa direksyon ng dalaga. Bago ni Melcy ang kaklase, tumayo muna siya't pinagpag ang mga dumi sa likuran ng kanyang palda.

"Why, Erika? Isn't it true? If... it's not, then what is it?! Magic?!" Sarkastiko't mataray na sagot ni Melcy kay Erika. Ipinatong ni Melcy ang kanyang kanang kamay sa balikat ng kaklase. "Look, I don't have all the time of this world has to offer, alright? Now, why don't you just go back to our sh-tty section and handle it? Marami pa kong gagawin. So, see youl later." Paalam ni Melcy sa kaklase. Tinalikuran niya ang kaklase't papaalis na sana nang biglang mahagip ni Erika ang kanyang buhok.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon