Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

CP2:Smile

477K 8.3K 1.1K
                                    


Umaga pa lamang ay siksikan na sa mga banyo ng paaralan. Lahat ng studyante ay abala sa pag-aayos ng kanilang sarili. Nagwawax ng buhok, nagmemake-up at kung anu-ano pang klaseng pampaganda't pampagwapo. Tahimik na naghihintay ang sixth class sa school lobby na sila'y matawag. Panghuli kasi silang kukuhanan ng litrato dahil sa request ng maraming studyante't teacher. Hindi maikaila na itinuturing silang black sheep ng karamihan. Sila rin madalas ang sisihin kapag may malas o gulong nangyayari kahit na wala naman talaga silang kinalaman sa mga 'to. Kahit na ganito ang tingin sa kanila ng maramig tao, mayroon pa ring mga studyante na gustong-gusto sila. Ang section kasi nila ay binubuo ng mga campus royalties, scholars, student council officers, elites at officers ng iba't-ibang organizations sa school.

"Oh guys, kailangan maganda't gwapo tayo sa class picture natin ha?" Wika ni Erika habang nananalamin. Sumang-ayon ang lahat maliban kay Chantelle.

"Wait lang ha, sunduin ko lang si Zoey sa banyo." Paalam ni Chantelle kay Erika.

"Sige. Basta bilisan mo ha? Malapit na tayong tawagin." Tugon ni Erika kay Chantelle.

Habang naghihintay, sumagi sa isip ng dalaga na mayroon siyang gamit na nakalimutan sa kanilang classroom. Linapitan niya ang kararating lang nilang adviser upang magalang na magpaalam. Agad din siyang nitong pinayagan at sinabihang magmadali sa pagkuha nito. Kumaripas ng takbo si Erika papuntang classroom at agad kinuha ang kanyang blue notebook sa bag. Papasok na sana siya ng lobby nang bigla siyang napahinto. May napansin kasi siyang buhok na nakalaylay sa sahig papasok ng pintuan ng janitor's closet. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ngunit nakalock ito. Buong pwersa niya itong itinulak at sinipa-sipa ngunit ayaw talaga nitong bumukas. Nagbuntong-hininga ang dalaga habang nakaharap pa rin sa pintuan. Napukaw ang kanyang atensyon nang bigla niyang tinawag ang kanyang pangalan.

"Erika! Bilisan mo! Nagkakagulo na sila!" Malakas na tawag ni Bianca sa kaklase. Magkasabay silang dumiretso patungong lobby. Nadatnan nila ang kanilang mga kaklase na nag-aaway dahil nagkapikunan sa mga asaran.

"Oist, huwag nga kayong mag-away. Kaya tayo huling kukuhanan ng litrato eh, ang gugulo niyo kasi!" Saway ni Cameron kina Cheska at Kyle.

"Masama na ba magsalita?" Sarkastiko't maangas na tanong ni Cheska sa binata.

"Don't mind him Cheska, sumisipsip lang yan." Bulong ni Kyle sa kaklase. Nagtawanan silang dalawa habang pinagmamasdan ang binata.

"Tumigil na nga kayo. Hindi na tayo mga bata. Ikaw naman Kyle, kung ayaw mo talaga sa section na 'to, sana nagpatransfer ka na lang nung maaga pa. Hindi yung lagi kang may kaaway dito." Mahinhing pagsaway ni Arsela habang nakatingin kay Kyle.

"Aba! Kung pwede lang no? Teka nga, akala mo ba porket sikat ka sa school hindi kita papatusin?" Lumapit si Kyle kay Arsela na para bang inaangasan ito. Agad humarang si Cameron para paggitnaan ang dalawang babae.

"Tama na nga!" Sigaw ni Cameron. Medyo napalakas ang boses niya dahilan para makuha nila ang atensyon ng ibang studyante.

"Ano tinitingin-tingin niyo riyan? May palabas ba?" Nakataas na kilay at nakapamewang na tanong ni Kyle sa mga nakatingin sa kanila. Agad niyang inilihis ang kanyang tingin kay Arsela at itinuloy ang paghahamon sa kaklase.

"This is going to be fun." Bulong ni Cheska sa sarili habang pinapanood ang dalawang dalaga.

Napahinto sila sa kanilang mga ginagawa nang makarinig sila ng matinis na ingay mula sa mga speakers na nakalagay sa bawat kanto ng lobby. Agad napatakip ng mga taenga ang iba dahil sa tunog na kanilang narinig.

"Class 4-6, kayo na ang susunod na kukuhanan ng litrato. Please proceed to your assigned venue. Thank you." Hudyat na sila na ang susunod na kukuhanan.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon