Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Prologue

842K 13.6K 2.1K
                                    

Muling nagkita-kita ang mga studyante ng sixth class matapos ang kanilang vacation break. Kilala ang pang-anim na seksyon dahil sa madilim nitong nakaraan. Napagdesisyunan ng principal ng St. Venille na magbukas muli ng pang-anim na seksyon dahil naniniwala siyang purong imahinasyon at walang matibay na ebidensya ang mga kwento kaugnay ng seksyon na ito.

"Oh my God! I miss you na guys! I hate you na talaga, you didn't bother to text me last vacation." Maarteng wika ni Angela. Matapos niya itong sabihin, nagpout siya sa harapan nina Pau at Cathrine.

"Stop it na nga. Malelate na tayo girl! Tama na muna kaartehan at baka maguidance nanaman tayo nito. Pumasok na lang tayo." Anyaya ni Pau kay Angela habang inaayos ang kanyang sling bag. Ilang sandali pa ay hinila niya na ang dalawa sa hallway patungo sa kanilang classroom. Napatigil ang tatlo nang may madaanan silang lumang classroom. Mayroong nakasulat na "Off-Limits" sa pintuan na nakapukaw ng atensyon ng tatlo.

"Oh look? Tara pasok tayo off-limits daw eh, may libreng lotion diyan panlaban sa lamok." Biro ni Cathrine. Nagtawanan ang magkakaibigan ngunit agad din itong naputol nang bigla silang makarinig ng malakas na kalabog galing sa loob ng classroom.

"Shems! Ano yun? Pasukin mo nga Cathrine... mukhang sanay ka naman sa madidilim na lugar 'di ba?" Kinakabahang utos ni Pau sa kaibigan.

"Oo nga naman Cathrine! Sanay ka naman sa mga dark ambiance kaya go na!" Pabirong dagdag ni Angela.

"Eh kung kayo na lang kaya pumasok? Baka ma-Julievega pa ako riyan ng very light ni Miss P." Angal ni Cathrine na nasundan ng nakanguso't pag-irap ng kanyang mga mata.

"Let's go girls. Late na tayo oh!" Wika ni Pau sa dalawang kaibigan habang itinuturo ang kanyang relos. Ilang malalakas na kalabog pa ang umalingawngaw mula sa lumang classroom pagkaalis ng magbabarkada. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kwarto at mula rito ay isang studyante ang lumabas. Punung-puno ng dugo ang kanyang uniporme habang may suot na nakalolokong ngiti sa kaniyang labi.

"Tsk! Napuno na naman ng dugo ang uniform ko! Kasalanan 'to ng walang kwentang studyanteng 'yon! Maghanda na kayo sixth section, malapit na ang oras niyong lahat!" Nanggigigil niyang bulong sa sarili. Mabilis siyang kumilos papunta sa janitor's closet para magpalit ng uniporme. Matapos siyang magpalit, agad siyang dumiretso sa silid ng pang-anim na seksyon.

"Good morning classmates! Namiss ko kayong lahat!" Magalak na bati niya sa kanyang mga kaklase. Umupo siya sa kanyang upuan habang suot ang isang matamis na ngiti. Mahahalata mo sa kanyang mga titig ang pagkaexcite na magawa niya ang kanyang mga plano sa mga kaklase.

"Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong lahat ang pagpasok sa seksyong ito." Malamig niyang bulong sa sarili.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon