ROUND 3

1.5K 30 6
                                    

Steven's POV

***FLASHBACK

Kaninang 7:30 matatandaan nyong nagkawang gawa ako na linisin ang kural ng mga bago kong kaklase.Bale 8:30 na nagsimula yung klase namin tapos may late pa!

Mabait naman yung mga girls kahit minsan nakakapagod na yung feeling na nakatitig sila sayo tapos ngingiti ka in return tapos parang mahihigh sila mga ganun ba?Pero yung mga boys dito?uhmmmmmmmmmmmm.......Bukod sa mukha na silang mga mama (kaya di ako belong dito eh!) ang sisiga pa nila!

Lalo na yung Christian ba yun?!basta yung matangkad!bakla ata yun eh!Kung makatitig sa akin parang wala ng kinabukasan!Tapos lahat ng teacher nila tuwang tuwa saken!---Talagang sa akin lang,ako lang naman yung nakikinig eh =__=++Tapos yung isang teacher dito,niyakap ako!Nagpapasalamat daw kasi napalayas ko ang masamang espiritu!Ang pogi ko namang espiritista kung nagkataon!

Tapos napagalaman ko,si Emily pala yung espirito kaya naman bigla akong natawa kasi kita ko sa ekspresyon nung teacher ko na parang nailabas nya na rin sa wakas ang taeng iniimpit impit nya!hahaha!Hmmm ano na kaya nangyari sa babaeng yun?nasaken pala yung lunch nun dadalhin ko mamaya ^_____^

Tumunog na yung bell.Ayos lunch na makapunta na kay Emily.Tumayo na ko at naglakad papalabas pero huh???Bigla na lang akong kinorner ng 5 lalaki pagkalabas nung math teacher.Nginitian ko sila pero,masama pa sa mukha nila yung tingin nila sa akin

"Hoy kutong lupa!Bakit mo inaagaw sa akin ang marshie ko ha!"hinawakan nya ng marahas yung kwelyo kong bagong plantsa!Nakakatakot tong lalaking to!pero....

 Kamuka nya si Sakuragi!Magulong uniporme,may kulay na buhok,matalas ang tingin at matangkad!Eto yung Christian na kanina pa ako tininingnan!

“Sino ba yung mars mo?”sabi ko at pilit na inalis yung pagkakahawak nya,kaso naman ang lakas masyado nito para sa tulad kong lalaking petite!

 “EH LOKO KA PALA EH!!”nakaamba sya pero bigla nya kong binitawan tapos tumingin sya sa kawalan tapos biglang kinilig.Ang weird."May point ka dun ah!Sya ang planeta ko!"umikot ikot sya.Kailangan kong makaalis!Mukhang nakasinghot to!

"Ah ganun ba?Oh sige bye"awkward kong sabi bago tumalikod sa kanila.

"Teka may naiwan ka!"bigla nyang sigaw kaya naman agad akong humarap.

"Ano yu--" *POW* whatta?!SINUNTOK NYA KO?!Aba't!!!WALA SYANG KARAPATANG BANGASAN ANG KAGWAPUHAN KO DAHIL HINDI SYA GWAPO TULAD KO!Akma ko na rin sana syang gagantihan kaso bigla akong binuhat nung mga kasama nya at itinapon sa isang malaking basurahan!

"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi ka pa lumayo sa kanya"sinabi nya bago sarhan ang takip ng basurahan.Agad akong umalis dito at nagsisisgaw sa galit.BWISIT!ANG BAHO KO NA!!!ANONG KLASENG TAO SILA?!Sobra na ang pangaabuso sa mga tulad ko!!!

Binuhos ko ang pabango ko sa uniporme ko.Ayoko na!Aalis na sana ako ng makita ko ang lunch box na ginawa ko na katabi ng bag ko. *sigh* Kailangan ko pa pala itong dalhin sa kanya.

*****END OF FLASHBACK

Agad ko sa kanyang ikinuwento ang nangyari para mailabas ang sama ng loob ko at pati na rin para matigil na sya sa pangaalog sa akin.Sa buong pagsasalita ko,parang hindi kumurap yung mga estudyante sa paligid at pinanuod ang bawat galaw ko.What?anong meron?ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong nagsusumbong?

Bigla nya kong binatukan pagkatapos kinaladkad habang hawak yung dulo ng damit ko.Ano ba yan!Yung damit ko nanaman ang pupuntiryahin!

Hinigit nya ako hanggang sa makarating kami sa gymnasium.Nakita ko doon si Christian at ang tropa nya,hindi ako nagkakamali!Sakuragi nga!pero it doesnt change the fact na binahiran nya ang gwapo kong mukha!Karma will pay him!

I'm In Love With a BullyWhere stories live. Discover now