ROUND 38.2

492 10 3
                                    

HAPPY 13K! <3

STEVEN’S POV

”Gift ko yan sa mga losers na tulad nyo” agad kong kinuha yung phone sa bulsa ko at tinext si EJ.Sinabi ko sa kanyang hindi ko matutupad ang deal namin :( Sabi nya kasi habang wala sya walang magdadamoves pero hindi naman pagdadamoves tong gagawin ko eh…She needs me.

Narinig ko ulit ang announcement ng Guidance Counselor.Sinabi nyang makakgraduate kami pwera lang si Emily…at naiintindihan ko na kung bakit yun sinabi ni Emily…Because she cares samantalang ang mga school mate namin hindi man lang sya pinaniwalaan.

Agad akong tumakbo sa rooftop at sa pagmamadali ko nagkandapa dapa na ko.At di ako nagkamali kasi nandun sya at nagsisigaw.”WAG KANG MAGPAPAKAMATAY!!!”humarap sya sa akin at nakakunot nanaman ang mga noo nya.

“Gusto mo ikaw ang patayin ko?!”nilapitan ko sya pero tinalikuran nya lang ako.

“Ano ba kasing nangyari?”

“Pwede ba?!Sawang sawa na ko sa tanong na yan!!!”nangigil nyang sabi habang pumapadyak.Lagot ang lakas ng topak nya.Umupo sya sa sahig habang nakatungo sa tuhod nya.Umupo rin ako at sumandal sa likod nya.She’s broken again…napatungo ako.Ako yung nasasaktan para sa kanya eh.Ayokong bumalik nanaman sya sa dating Emily…

Third Person’s POV

Hindi alam ni Emily ang gagawin para mawala ang sakit.She felt betrayed at nasusuffocate lang sya tuwing maalala ang nangyari.This is the main reason why I rather be feared than than to be loved.Paulit ulit nyang sinabi sa isipan nya habang pinupukpok ang sahig.Gusto nyang matulog para makalimutan ang lahat pero hindi naman nya mapakinabangan ang galing nya sa pagtulog sa ganitong sitwasyon.

Umupo si Steven ng patalikod sa pwesto nya.He feels broken too.Lalo na pag hindi sa kanya sinishare ni Emily ang problema nyang dala dala.Sumandal sya sa likod ni Emily at saka tumingin sa ulap habang nakapatong ang likod ng ulo nya sa ulo ni Emily na nakatungo.Kung pwede lang ipasok sa ulo nya ang lahat ng mga bad thoughts na naiisip ni Emily eh kanina nya pa nagawa.Emily felt Steven’s warmth.Naging komportable sya pero nandun pa rin yung sakit na hindi nya maalis.

Biglang yumuko si Steven at tinap ang sahig.Emily began hearing a beat.

“If you ever need to cry...

I'll wipe the tears right from your eyes.

Oh yes, I will.

If you can't fall asleep at night...

I'll sing to you a lullaby.

Oh yes, I will.”

With that,nagsimulang manginig ang mga labi nya at hindi nya na napigilan ang mga luhang ngayo’y nagtatakbuhan sa kanyang mga mata.Naramdaman na lang ni Steven ang pagsubsob ni Emily ng kanyang mukha sa kanyang likod.

“Can I be your gentlemen?

I'll be as gentle as I can.

Girl, what will it take?

To be your gentlemen.

I swear I'll be the luckiest man.

If I can be your gentlemen.”

Inilagay nya ang mga kamay ni Emily sa likod nya bago patuloy na kumanta.Please share everything to me…Tumingala si Steven sa langit at pinakiramdaman si Emily.Alam nyang makakatulog lang ito sa kanta nya pero gusto nyang iparamdam dito na,hindi sya nagiisa.

I'm In Love With a BullyWhere stories live. Discover now