ROUND 40

484 11 2
                                    

Alam kong nasusuka na kayo sa story na to lol pero nag-add pa ko ng additional 5 chapters lol sorreh xD  Happy15K! <3

Round 40

Steven’s POV

“Hihintayin ka na lang namin sa bus station anak”tinap ni Mama ang balikat ko at binigyan ko sya ng malungkot na ngiti.Hinakot na nila ang lahat ng gamit ko dito sa mansion.Tapos na ang trabaho ko.Wala ng dahilan para magtagal pa ako dito.

Tumingin ako sa oras.Malapit na…Hindi na lang ako pupunta.Kahit hindi nya sabihin alam ko na ang sagot.

 Binuhat ko si Lana at inilagay sa kulungan nya.Nakatitig sya sa akin na para bang ayaw nyang umalis.

Lumabas muna ako saglit para magpahangin.Tumingin ako sa itaas at pumikit.Ang peaceful… *Boogsh* napaupo ako sa sahig at napahawak sa labi ko.

“What are you doing here?!”nangigigil na sabi ni EJ.Tumayo ako at tinitigan syang magalit.Ngayon ko lang nakita ang gullible na EJ na maging isang halimaw.

Tumingin ako sa relo ko.“You’re late”

“You are late!!!BAKIT MO BA SYA PINAGHIHINTAY?!”nagpantig yung tenga ko at hinawakan ko ang collar nya.

“HINDI PA BA HALATA?!NAGPARAYA NA AKO”sinuntok nya ko ulit at agad naman akong bumawi hanggang sa duguan na kaming pareho.Mukhang pareho kaming nagparaya.

“STUPID!!!”itinulak nya ako at tumingin sya sa relo nya”She’s probably waiting right now!!”inis nyang sabi at nasabunutan na lamang ang sarili.

“Go”

“Ano ba Steven?!!!Bakit ngayon ka pa susuko kung kailan handa na kong masaktan?!”napayuko ako.Tama sya.He sacrificed a lot para lang maging fair ang laban namin dahil lang sa kaibigan ko sya.

“Pakisuntok nga ulit ako para matauhan pa ko”itinuro ko ang mukha ko pero napasigaw na lang sya sa inis.

“Kung sinong mauna,syang panalo”mabilis syang tumakbo at agad rin akong sumunod at tumakbo.Please…Give me a sign…Mauuna ba ako???!Binilisan ko ang takbo at dumaan sa ibang direksyon para mas mapabilis.Kahit kumikirot ang mga sugat ko dahil sa mga suntok si Eiffel,wala akong pakialam…Kailangan kong mauna…

Emily…Parang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko syang nakaupo dun at hindi nagrereklamo.Napangiti ako dahil mukhang naghihintay talaga sya… ”Emily!!”

Tumingin sya sa akin at ngumiti pero hindi sya lumapit sa akin.”Hoy Emily Salvador!”sumigaw ako pero inalis nya ang tingin sa akin.Lalapit sana ako kaso sa pagabante ko,likod na lang ni EJ ang nakita ko…Mahigpit syang nakayapos kay Emily at pati na rin sya :( Bakit ganun?!BAKIT BAKIT BAKIT?!LAGI NA LANG GANITO ANG EKSENA PAGDATING SA AKIN?!TANGINANG YAN AYOKO NA!LAGI NA LANG GANITO ANG PINAPAKITA NYA!Ngayon na nga lang ako nauna tapos ipaparamdam nanaman sa akin na panghuli lang ako kahit anong mangyari?!

Dumiretso ako sa bus station.Blanko ang isip ko at parang naging manhid na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Kakalimutan na kita Emily…

Nagaalala akong tiningnan ng mga magulang ko pero wala na kong lakas para magpaliwanag pa.Dun ako umupo sa kaduluduluhan at nagsalpak ng earphone sa tenga ko.

Play mess we’ve made.

“I'd been so strong for so long

I could handle everything

Now that you've gone through that door,

I can't see anything”

I'm In Love With a BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon