One last song--I'm inlove with a bully

12.7K 110 78
                                    

WARNING:KARAMIHAN SA STORY NA ITO AY HINDI PA WELL POLISHED.MAY MGA ERROR SO HEHEHEH.YUNG MICROSOFT WORD KASI MAKULIT NANGINGIALAM AT YUNG IBA NAMAN SADYANG BASAG LANG AKO KAYA GANUN LOL.

Uri ng Bullies:

1.The Rated PG's-Karaniwang gutom at hindi na kinakaya ng timbangan.Sila ang mga taong mahilig mangagaw ng pagkain ng may pagkain.Madalas silang makikitang nakatambay sa canteen at sila ang dahilan kung bakit laganap ang malnutrition.

2.The Dinuguans-Madalas pawisan ang kili kili at duguan dahil mahilig sa away.Inaakala nilang pag kinakatakutan sila'y kapangyarihan ito at mas nakatataas sila.Mahilig silang mag itim na akala mo'y laging may lamay.Sila'y kilala sa pagiging hambog at suki ng guidance office.Inaasahang sila ang magmamana ng trono ni Bin Laden.

3.The Pricetags-Mga demanding na pulubing mahilig manguha ng baon.

4.The Haters-Mga inggitero't ingiterang froglets na lahat na lang ay nilalait.Sila lang ang nakikita nilang magaling at kaya ka nilang idescribe mula ulo hanggang paa.Mataas pa ang IQ nila sa panghuhusga ng tao at kilala sila sa pagiging bungangero't bungangera.Wala silang pakialam sa nararamdaman mo.

5.The Hunger Gamers-Masaya silang makita kang gumagapang sa hirap.Matalino sila sa paggawa ng kalokohan at hindi mo na lang mamamalayan na ikaw na pala ang bibiktimahin nila.Mahilig silang tumawa at hobby nilang paiyakin sa galit ang guro o kahit sinong biktima.Hindi pa rin nalalaman ang dahilan kung bakit napapasaya sila ng kanilang mga pranks o kalokohan.

Ang kwentong ito ay para lamang sa inapi,nangaapi at mangaapi wannabe.Kung naghahanap ka ng 'Shining Shimmering Moral Lesson' ay wala kang mapapala sa kwentong ito kaya kung maari lamang ay magbasa ka na lang ng pabula at parabula.Pero kung gusto mong matuto ng iba't ibang uri ng masayang  kalokohan,paraan para maging kapansin pansin at istilo ng panlalait sa mga mababa ang tingin sayo,come and read this beybe.

I'm In Love With a BullyWhere stories live. Discover now