V - Isla La Fuentes

1.2K 23 7
                                    

Wala nang makita ang magkakaibigan dahil madilim na ang paligid. Tanging ang ilaw ng flashlights na dala nila ang naging gabay nila sa daan. Nang hindi maglaon ay may nakita silang gate na malaki na mukhang antigo at may mga poste ng ilaw sa hindi kalayuan.

“Iyon na ba yung Isla La Fuentes?” tanong ni Ray at tinuro ang malaking gate

“Parang iyon na nga tol.” sagot ni Gio at inakbayan ang kanyang mga kapatid.

“So? Ano pang hinihintay natin? Ilang metro nalang ang layo! Tara na!” pangaanyaya ni Novem sa kanila at unang tumakbo.

 Parang nawala na sa kanilang isip ang pagod, takot at lahat ng mga nangyari kanina. Good for them para maging maganda ang kanilang stay sa resort. Sa bawat hakbang nila ay para bang naamo’y na nila ang simoy ng hangin sa dagat at unti-unting naririnig ang ingay ng mga tao na nasa resort. Dumating na sila sa gate na nakita nila at inaasahang ito na ang Isla La Fuentes.

“Yes! Andito na yata tayo!” sigaw ni Angelica at tumalon. Nag-eecho ang boses ni Angelica sa paligid na dahilan ng pagkagambala ng mga ibon na nasa kahoy na.

“Sssh! Wag kang sumigaw! Baka maengkanto ka. Nasa kakahuyan pa naman tayo.” awat ni Daphne.

“Okay po” sagot nito.

Nung humakbang pa ulit sila ay biglang bumukas ang pintuan para sa kanila. Bumungad ang malamig na hangin sa kanila na lalong nagpawala sa pagod nila. Malaki ang lugar at maraming ilaw at mga kwarto. Sa gate pa lang ay matatanaw mo na ang dagat at ang swimming pool. Marami naring tao na nandoon at mas nauna sa kanila. Masigla ang resort dahil sa ingay na hatid ng speakers na puro tugtog ng sayaw ang nakasalang.

“Sosyal nito ah. Antique ang gate tapos may sensor?”  mangha ni Corena at tinitingnan tingnan ang gate.

“Mayaman ata may ari nito” turan ni Lucienne

“Oo nga, kasi ang mura ng bayad dito. Haha. Hindi na kailangan ng malaking bayad” pagsang-ayon ni Sabrina.

“Maraming Chicks pre!” sigaw ni Nesjoy habang titig na titig sa mga babae.

“Ah ganun ha?!” sigaw ni Sabrina at binato ng bag si Nesjoy.

“Tama nga nga yan! Haha” tawang tawa pa na turan ni Lucienne at tinapik si Sabrina

Sa muling paghakbang nila papasok sa resort ay may dalawang babaeng patungo sa kanila. Puting polo shirt ang suot ng mga babae’t naka itim na shorts. May mallit ring parihaba na nakakabit sa may bandang left na dibdib nila at may dalang isang cart.

“Good evening! Welcome to Isla La Fuentes! Salamat at nakarating kayo rito sa Opening ng Resort!” bati ng dalawang babae at lumapit sa kanila.

“Accommodating Personnel?” basa ni Gio sa maliit na parihaba  sa dibdib ng babae.

“Yes sir! We are the accommodating personell at trabaho naming ang maging tour guide at ang tig-sagot sa bawat tanong niyo. I’m Dianne and this is my partner Kimberly” pagpapakilala ng babae at kumindat pa kay Gio.

“But before anything else, amin na po ang bag niyo at ilalagay naming sa cart ang we’ll start the short tour and para malaman niyo na ang kwarto niyo.” turan ng isa pang babae.

Unti-unti nilang binibigay ang kanilang bag at pinwesto ito ng mga accommodating personnels sa cart na kanilang daladala. Nung matapos na ang paglalagay ng mga bags ay naglakad na sila.

Isla La FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon