I - New Message

2K 37 14
                                    

Bandang alas-kwatro palang ng hapon ngunit nagbabadya na ng pag ulan sa lugar. Nangingitim na ang mga ulap sa langit. Malamig at malakas na ang bugho ng hangin na sinasayaw ang mga puno sa tuwing nahahalikan nito. Kasabay ng masamang panahon ay isa-isa nang dumadating ang treseng magkakaibigan sa kanilang boarding house galing sa kanya-kanyang mga unibersidad at colleges. Ang kanilang tinitirhan ay may dalawang palapag at ang loob nito’y puno ng antigong gamit. Ito’y isa sa mga ancestral houses sa village.

 “Aaah! Suko na ang katawan ko sa Engineering!” bungad ni Gio nung papasok na siya sa pintuan at tinapon ang kanyang bag sa sofa.

“Masasanay ka rin tol” ilag ni Kent na nasa sofa nag la-laptop.

“Buti na nga lang may time pa ang college para mag relax” tugon ni Ray na nasa may hagdanan nag sa-sound trip.

“Oh nga pala mga tol. Nagpadala na si erpats diba?” tanong ni Dennis na nanggaling sa kusina’t may dalang mansanas.

“Sa ATM ko dineposit ni papa ang dalawampung libo. So tig lilimang libo tayo ngayong buwan” sagot ni Kent at bumalik ang atensyon sa kanyang laptop.

“Yes! Treat ko na naman ang gerlpren ko” sigaw ni Ray na lumapit sa kanila sa sofa.

“Basta, walang hihingi-hingi pag na short” pitik ni Gio sa tenga ni Ray at tumawa ang apat.

Magkakapatid ang apat. Sila ang Orate brothers. Si Ray ang bunso at si Kent naman ang pinakamatanda. Isa pang magkapatid sa kanilang magbabarkada ay sina Lucienne at Daphne.

Si Angelica, the so-called bitch sa kanila ay nasa kwarto lang niya doon sa pangalawang palapag ng boarding house at nagse-self manicure. Pinagsamang puti’t pula at dinesenyohan niya ang kanyang kuko. Sa kalagitnaan ng kanyang pag mamanicure biglang nag vibrate ang kanyang phone. Kinuha niya ito’t binasa.

“Hayys. Group message na naman. Wala nang matinong mga text ngayon. Puro nalang Group message o di kaya mga chain texts na kesyo ipasa para hindi mamatay o mamalasin” sabi niya’t bumalik sa pag pipinta sa kanyang kuko nang kung walang ka-ano-ano’y nagvibrate ulit ito. “GM na naman to for sure” at binasa niya.

Ang nakatoka sa pagluluto ngayon ay sina Lucienne, Corena at Novem. Beef Steak ang niluluto nila. Ang iba’y nasa iba’t ibang parte ng bahay at ginagawang busy ang kanilang sarili. Semestral break na din kasi bukas at wala na silang klase.

 “Guys!” biglang sigaw ni Angelica at lumabas sa kwarto sa ikalawang palapag na matatanaw sa itaas ang ibaba. Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay nagulantang ang lahat sa ibaba.

“Oh? Ano? Maka sigaw tong babaeng to!” tugon ni Novem na na-asar sa pag sigaw niya dahil nahulog ang kanyang hawak-hawak na baso.

“Ano ba kasi yan Gel?” curious na tanong ni Nesjoy habang nagtetext sa may hagdanan.

Biglang bumukas ang pinto’t kinagulat nila pero ang niluwa nito ay si Katrina. Ang palaging huling umuuwi sa kanila. Kumunot ang noo niya sa nangyayari sa loob ng bahay.

“Oh anong kaguluhan to?” tanong ni Katrina’t blangkong blanko ang mukha.

“Biglang-bigla nalang kasing simugaw si Angelica” sagot ni Kent

“Kasi, may bagong resort na mag bubukas bukas!” sabik na sigaw ni Angelica “And take note! Three hundred and fifty pesos lang ang entrance fee nila! May kasama na yang stay sa kwarto for 12 hours!”

“Okay. Then anong point?” pang-inis ni Kein Jay na nag babasa ng paboritong libro niyang School Trip ni Soju

“So, yun na yun?” sabad ni Daphne na sa may salamin at sinusuklay ang kanyang buhok.

“May klase pa tayo uy!” sabad ni Dennis

“Semestral break na tol!” akbay ni Gio kay Dennis

“New adventure guys! Kaso ang bad news is malayo, out of town kasi!” dagdag ni Angelica.

 “Baka boring na naman yang resort na ‘yan!” pangunguna ni Lucienne sa mangyayari habang umuupo sa sofa.

“But, we can’t tell if boring or hindi pag di natin na try pumunta doon!” sagot ni Angelica.

“Ok? So guys agree? We’ll go to that resort name--” panapos ni Sabrina at bumaba sa hagdanan.

“Isla La Fuentes!” sigaw ni Angelica.

“Okay, whatever name of that resort. Ano pupunta tayo?” tanong ni Sabrina.

“Basta kung saan ka aking mahal nang doon ako” banat ni Nesjoy kay Sabrina.

“Sure kayong pupunta talaga tayo?” nagdadalawang isip na tanong ni Corena

“Majority eh” sagot ni Ray

Nasa sofa sila lahat at nagmeeting sa suhestiyon na adventure ni Angelica. Napagkasundu-an nila na mag stay sa resort sa loob ng dalawang araw. Ganun parin palaging tinatanong ni Corena kung talaga bang pupunta ba sila doon. Sa lahat, si Kein Jay ang pinaka excited pumunta sa resort at mag sa-sun bathing raw siya.

“Kami na ni Corena ang bahala sa foods!” volunteer ni Katrina

“Bait talaga!” banat ni Kent at nag wink.

“Corny mo talaga, Kent, Ayiee kaw ha! Kinikilig ako, Ano ba. Hihi” pademure ni Corena  habang nakasandal kay Dennis

“Ah-eh? Para yun kay Katrina.” sagot ni Kent at napakamot sa ulo

“Ay. Okay.” sagot ni Corena at humugot ng hininga.

“Ehem” biglang ubo ni Novem

“We’ll take in-charge for the vehicle! At si Kent na as always ang mag mamaneho ” sigaw ni Dennis at inakbayan ang kanyang mga kapatid

“So, when?” tanong ni Sabrina at Nesjoy.

“Tomorrow!” sigaw ni Kein Jay, “ano pang hihintayin? Kara-karaka na agad!”

Kinagabihan nag empake na ang lahat para sa kanilang pag alis. Hindi sila mapakali pagka’t may resort na naman silang mapupuntahan. Maraming photos and videos na naman ang ma uupload sa mga account nila. Makakapag blog na naman sila ukol sa resort na ito. San damakmak na comments, votes, likes, shares, favorites at retweets na naman ang kanilang matatanggap sa kanilang mga networking sites.

Ang magbabarkada ay college na. Simula pa lamang nong high school sila’y magbabarkada na hanggang na dagdagan at na dagdagan sila. Sila’y mahilig sa adventure, tripping at island hopping. Kaya naman kung saan-saan na silang lupalop sa Pilipinas napadpad. Naging sikat sila sa social networking sites na youtube, facebook, twitter, instagram at saka sa wattpad dahil sa kanilang mga trippings. Ang tawag sa kanila ay ang “Trese Biyaheros”. May isang pagkakataon pang naka-abot sila sa resort na puno ng kalaswaan, island na walang tubig, walang lasa ang mga mga pagkain at kung ano-ano pang mga resort and islands.

Bagong adventure na naman ang kanilang hanap. Nasa tamang oras lang na may natanggap na text si Angelica ukol sa bagong resort na mag-oopen. Hangad nilang lahat ay ang extreme adventure sa resort na ito.

Petsa: Abril 3, 2012

Oras: 11:21 PM

Status: Naghahanda sa lakad bukas.

Isla La FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon