IV - The Stranger

1.2K 26 7
                                    

“You’ve got that smile that only heaven can make….” tugtug ng speakers sa loob ng van.

“Anong inaasan niyo sa tripping natin guys?” tanong ni Lucienne

“Masaya at adventurous” sagot ni Dennis

“Maraming sexy na chicks!” sigaw ni Gio

“Yung di makakalimutan!” sigaw ni Daphne

Kung kanina marami pang bahay silang nakikita, ngayo’y malalaki na ang agwat sa mga bahay at halos puno na ang kanilang nakikita. Ngunit hindi ito pinansin ng magbarkada ang change of setting nila.

“Guys! Picture muna! Group Selfie!” sigaw ni Dennis at nag Camera 360 sa tablet niya. “One, Two, Three” at pinindot ang button

“Wacky na naman!” sigaw ni Corena.

“Sige! Kayo lang. Sige!” turan ni Kent na hindi nakasali sa group picture. “Marunong rin ako!” at kinuha niya ang kanyang cellphone.

Nagtawanan ang lahat sa himotok ni Kent. Si Kent naman nagselfie at hindi na tinitingnan ang minamaneho dahil na sigurado naman niyang clear ang daanan. Nang icli-click na sana niya ang button ay biglang sumigaw si Angelica, Sabrina at Nesjoy.

“Kent! Stop!” sigaw ni Angelica, Sabrina at Nesjoy

“Huh?” turan ni Kent na nabigla at nahulog ang phone at tinapakan kaagad ang brake.

“May na-nakita ka-ming batang ba-babae!” nauutal na paliwanag ni Sabrina

“Nasagasaan mo ata, dad!” dagdag ni Nesjoy

Nagulantang si Kent sa sinabi ng tatlo, kaya’y agad-agad na bumaba si Kent at sinundan ng kanyang mga kaibigan. May nabubuo ng kaba sa mga mukha nila. Ngunit pag baba ni Kent, wala siyang nakitang babae o ano mang bagay na kanayang nasagaan. Sumunod naring bumaba ang iba pa niyang kaibigan.

“Wala naman! Linoloko niyo naman ako” dismayadong pahayag ni Kent.

“Meron talaga Kent!” sagot ni Angelica tinitingnan ulit ang paligid.

“Wala ngang bata. Pero paano nangyari yun kung meron daw?” pagtataka nina Ray at Gio

Φ

Nasa kwarto lang si Kein Jay at nagpapahinga. Kasalukuyang tinitingnan niya ang kanyang mga photo stream sa tablet. Puro selfie niya ang laman nun pero nung natunong sa picture ni;ang magbabarkada, biglang nadulas sa kanyang kamay ang kanyang tablet.

“Bakit nahulog?” biglang tanong ni Kein Jay sa sarili at pinilit kunin ang tablet. “May masama kaya itong ibig sabihin? Ah wala. Nawalan lang ng lakas ang aking kamay” sagot niya sa sarili din niyang tanong.

Hindi na inisip ni Kein ang nangyari bagkus linigpit nalang niya ang tablet niya pagkatapos niyang maabot ito. Momentum lang daw iyon sa mga bagay ng mundo. Pero ang tanong, momentum nga lang ba?

Φ

Unang bumalik na ang iba sa loob ng van maliban kay Kent dahil nilibot niya ulit ang buong paligid para siguraduhing wala nga. Kunot ang noo silang umupo sa van dahil sa hindi ma-ipaliwanag na nangyari kanina. Pagkatapos ng pag-secure ni Kent na wala ngang batang nasagasaan, pumasok na ulit siya sa loob at tinignan ang kanyang mga kaibigan na halatang puno ng pagtataka ang nasa isipan.

“Guni-guni niyo lang yon!” turan ni Kent habang nag stastart ng engine.

Umandar na ulit ang sasakyan nila at nagpatuloy ang trip nila. Sa paglipas ng oras ay nawala rin sa kanilang isipan ang nangyari kanina at nakatulog. Malapit ng mapunlaan ng dugo ang langit kaya’t nagmamadali na si Kent sa pagdrive dahil siya nalang din kasi ang mulat. Medyo madilim narin ang paligid pagkat halos puno na ng niyog ang nakapalibot sa kanila. Nang sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Kent ay biglang tumigil ang van kaya’t agad bumaba siya para tingnan ang problema.

Isla La FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon