III - Senses Don't Lie

1.3K 26 7
                                    

“Angelica estimate time na makakarating tayo doon?” tanong ni Sabrina habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ni Nesjoy.

“6 hours ang travel so mga 4pm!” sagot ni Angelica habang tinitingnan ang relo

“Okay” sagot ni Sabrina na akmang hihikab

“Matulog ka muna diyan baby” turan ni Nesjoy

“Hays. Loverbirds psssh” binitter ni Corena

Isang oras na ang lumipas. Nakatulog na ang ilan sa kanila dahil sa haba ng biyahe. Habang ang iba kumakanta-kanta para mawala ang boring pagkat halo-halo ang kanilang nararamdaman. Parang malayo na sa kabihasnan ang kanilang tinatahak pagkat ang mga bahay ay yari na sa mga kahoy at parang walang tao sa mga bahay dahil walang lumalabas sa bahay .

“Everyone else in the room can see it” kanta ni Kent

“Everyone else but you…” sunod ni Angelica , Corena at Novem.

“Baby you light up my world like nobody else” solo ni Dennis.

“The way that you flip your hair gets me overwhelmed” pasok ni Lucienne at Daphne.

Nagtawanan ang lahat noong napiyok si Dennis sa bandang huli. Tirik na tirik na ang araw. Sa katunayan, makakaluto na nang itlog ang init ng araw. Pansin ni Kent na parang gutom na ang lahat kasi wala nang nag-iimikan pati nag sasalita naka sandal nalang silang lahat sa may bintana ng van kaya’t napagdesisyonan niyang kakain muna sila. Biglang tinamakan ni Kent ang brake kaya dahil sa Law of Inertia, naalimpungatan sila.

“Oops. Sorry. Hahaha. I guess stop muna, pagka’t gutom na ang lahat pati kasi ako gutom na rin” turan ni Kent habang kinukuha ang susi sa sasakyan at tinitingnan ang paligid.

“Yes!” sigaw ni Ray at bumaba na.

“Ihi muna ako” sigaw ni Dennis na papalayo na

“Sama na ako tol!” turan ni Gio at inakbayan si Dennis

“Kami na rin!” sigaw nina Kent at Nesjoy habang humahabol sa kanila

“Hoy! Asan kayo iihi!” sigaw ni Lucienne habang papalayo na sila

“Sa unahan lang, sa mga puno!” sagot ni Gio

“Wag! Baka maduwende kayo!” sigaw ni Daphne

“Duwende? Walang ganun!” sigaw ni Kent

“Sus! Maniwala kayo diyan!” sigaw ni Dennis

“Nesjoy! Balik dito!” utos ni Sabrina

“Ah eh, sorry baby, naiihi na talaga ako!” sigaw pabalik ni Nesjoy

“Ilang ulit na namin tong ginagawa!” sigaw ni Gio

“Basta, kayo bahala!” sigaw ni Angelica

Maganda ang paligid. Payapa at parang isang nature park. Maraming bulaklak at saka ang ganda ng mga puno. Ang scenery ang parang daanan sa Baguio na patungong Mines View Park. Nilabas na ni Katrina ang mga pagkain mula sa van. Si Sabrina ay kinuha ang isang malaking tela para ilagay sa damuhan para makapag picnic na sila. At inumpisahan na nilang mag ayos.

“Ang ganda ng lugar” puri ni Corena habang naglalagay ng mga plato

“Sinabi mo pa, para bang isang fairytale land” sang-ayon ni Angelica habang naglalabas ng ulam

“Pssh. Ang init nga lang” puna ni Novem at inihipan ang loob ng kanyang shirt.

“Smile muna! Picture tayo! Post ko to sa fb natin later. Update lang kung asan na tayo” sabi ni Lucienne at pinindot na ang capture.

Isla La FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon