Chapter 49

57.4K 886 95
                                    



Chapter 49

"Good evening everyone! Welcome to a night of celebration of two wonderful lives. Most of you who are here tonight have watched them grow over the years into the wonderful person they become. Before we start this night, let us all welcome and acknowledge the ever supportive and loving family of the celebrants.

Mr. Arthur Dela Fuente, the father. Mrs. Verna Romano-Dela Fuente, the mother. Don Gabriel Dela Fuente, the grandfather, and Doña Leonora Francisca Dela Fuente, the grandmother."

Bawat pag tawag sa pangalan nila ay nagpapalakpakan ang mga tao.

"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our celebrants. Let us give them a round of applause, as we welcome the main highlight of this celebration, ladies and gentlemen. So without further ado, let us all rise and put our hands together, our lovely celebrants, Dylan Bryce Dela Fuente and Denisse Brielle Dela Fuente"

We were all on our feet and clapping as they both went up the stage.

"Wow! It's like a younger version of Mister and Missus Dela Fuente. I'm not going to ask where you two got your looks because the evidence is right here." Some laughed at the emcee's reaction

Nagbigay ng birthday message sina Tita Verna sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay may pinanood din kaming birthday greetings video ng kapatid ni Dylan na nasa America at pati din ang kanyang grandparents sa mother side. May mga auntie at uncle din silang bumati sa kanila, pati ang mga pinsan nila. Nagulat ako na pati din ang babaeng kasama ni Dylan noon sa picture, 'yong babaeng pinagseselosan ko, ay grineet sila.

I saw how Thunder's eyes twinkled when he saw her. Nahagip din ng paningin ko ang pag ngiti niya na parang kahit sa ganoong paraan ay masaya na siyang nasilayan niya ulit 'yong babaeng 'yon.

Nagpatuloy pa ang programa hanggang sa binuksan na nila ang buffet para makakain na ang lahat.

"Ana?" Tawag sa akin ni Tita Verna na nasa likuran ko pala

"Po?" Tumayo ako

Hindi kami nagkita kanina dahil sa dami ng tao at busy din sila na wine welcome 'yong mga guests nila.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahon niyang tanong

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko "S-sige po Tita" sagot ko

Naglakad siya papunta sa labas ng venue. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto na siya. Wala masyadong tao sa labas. Kung meron man ay ang mga guests lang dito sa Paraiso na naglalakad-lakad.

"Nasabi na sa akin ni Dylan" hinawakan niya ang mga kamay ko "I'm so happy for the both of you. From the very start, I really like you for my son."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi "T-thank you po, Tita" yon lang ang nasabi ko

"Ngayon pa lang I want to welcome you to our family. Kaya mommy na din ang itawag mo sa akin" niyakap niya ako pagkatapos ay hinaplos niya ang buhok ko "I just hope... I wish that... kayo ni Dylan ang maging daan para magkaayos ang pamilya natin. We've been through a lot and I hope your mother will forgive the Dela Fuentes soon."

"Tita... I mean..." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko hindi ako sanay

"It's okay... Kahit Tita muna. Unti-untiin mo na lang na isanay ang sarili mong tawagin akong mommy" ngumiti siya at tumango ako bilang pagsang-ayon

"Do you mind if I ask what's the real reason? I mean if its just about the land? My mother won't be as mad as she is until now, right?" I asked. Maybe I can get something from her

Fall AgainWhere stories live. Discover now