Chapter 36

55.2K 756 56
                                    



Chapter 36

Tatlong araw na wala si Mama kaya tatlong araw din na nakakalabas pasok si Dylan sa bahay namin na walang problema. Walang kaso iyon sa mga pinsan at kapatid ko dahil kasundo na nila si Dylan at nakausap na din sila ni Tita Ruth. Minsan si Tita Ruth pa nga ang nag-iimbita sa kanya.

Pero noong bumalik na si mama ay mas lalo niya akong pinaghigpitan. Pagkatapos ng mga klase ko ay pinapadiretso niya ako sa salon. Pag nagpapaalam akong gagawa ng project at magrereview ay sasabihin niya na sa bahay na lang namin gawin, imbitahan ko na lang daw ang mga kagrupo ko sa bahay.

Paano ko sila iimbitahan kung ang isa sa mga kagrupo ko ay si Dylan. Hindi ko naman siya pwedeng iwan. Isa pa, ang gusto ng mga kagrupo ko ay sa bahay ni Dylan. Mas maganda daw doon kasi tahimik at maganda ang view. Nakakarelax daw pag ganoon at mas makakapagfocus kami sa mga gagawin namin.

Kaya heto ako ngayon nasa kwarto at pinagmamasdan ang kisame. Natapos na ang lahat. Intrams- kami ang nagchampion sa cheerdance, pero sa overall ay ang blue team ang nagchampion at kami naman ang first place-, sem break, pati ang finals, pero hindi pa rin ako pinapayagan ni mama na lumabas.

I've defied her hundred times before, but now? I don't think I can defy her. Mainit ako sa paningin niya ngayon kaya ayaw ko siyang suwayin baka ipatapon pa niya ako sa Batangas. I don't want to live there with the grumpy old woman. Kahit na nakakasakal din si mama minsan mas gugustuhin ko na lang na manatili dito sa Ilocos kaysa doon.

Naingit nga ako kila Angie dahil noong sem break balak sana naming pumunta sa Baguio. Kaming walo lang naman ang pupunta kasama 'yong boyfriend ni Kara. Matagal pa bago ang sem break ay nakapagplano na kami kung ano ang mga gagawin namin. Ayos na lahat ng plano, nakapagdesisyon kami kung saan kami magi-stay at kailan kami pupunta.

Halos silang lahat ay nadalian sa pagpapaalam sa kani-kanilang mga magulang. Ako nga lang yung hinintay nila eh. Paano ba naman kasi ang hirap-hirap magpaalam kay mama. Ilang beses akong sumubok pero pag kakausapin ko siya ay palaging postponed dahil may kausap siya sa phone o kaya naman ay may sisingit.

Baliwala lang din naman 'yong pagkuha-kuha ko ng tiyempo. Noong nagpaalam ako sa kanya, hindi ang sinagot niya. Tapos sumubok ulit ako tutal medyo malayo pa naman ang sembreak kaya pwede ko siyang kumbinsihin paulit-ulit. Ganoon pa rin naman ang naging sagot niya. Hindi na ako nagtanong ulit hanggang sa araw na ng pag-alis namin. Nag-empake pa nga ako ng gamit para hindi na siya makatanggi, pero mas lalo lang siyang nagalit at kinaladkad ako papunta sa kwarto ko.

Inis na inis ako noon. Sa inis ko nga pinagtatapon ko 'yong bag ko. Pati ang mga kumot at unan ko ay pinaggigilan ko sa inis.

Tawag din ng tawag sina Angie sa akin noon. Nahihiya akong sagutin ang mga tawag nila kaya nagtext na lang ako. Pero noong si Dylan ang tumawag sa akin ay sinagot ko 'yon. Umiiyak pa nga ako habang kausap siya at sa tuwing naalala ko 'yon ay nahihiya ako sa kanya. Sobrang frustrated ako noon na hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa napaiyak na lang ako.

'Yon ang unang beses na umiyak ako sa isang lalaki. Hindi ko ugali ang magsabi ng problema sa ibang tao. Minsan kay Charles ko na lang inilalabas ang mga sama ng loob ko kay mama. Ang maganda kay Charles ay nakikinig lang siya sa akin at naiintindihan niya ako dahil alam niya ang ugali ni mama.

At that moment, I felt so safe with Dylan kahit na boses niya lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napakalma sa mga oras na 'yon. Sobra-sobra kasi ang nararamdaman kong inis na parang gusto kong itapon lahat ng mga nakikita ko.

Sinabi pa niya na kung gusto ko daw hindi na lang din daw siya sasama, para hindi lang ako yung maka missed out sa outing. Hindi naman ako ganoon ka selfish, kaya pinilit ko siyang sumama na lang. Hindi naman ako papalabasin ni mama ng bahay dahil nasagot ko siya. Hindi ko napigilang punahin ang mas lalong paghigpit niya sa akin.

Fall AgainWhere stories live. Discover now