Chapter 10

64K 894 99
                                    


Chapter 10

"Celestine?" Nagtatakang tanong ng lola ni Thunder

Bakit niya ako tinawag sa pangalan ni mama?

"La, hindi po Celestine ang pangalan niya. Ana po" ani Thunder

Lumapit yung tita ni Thunder sa amin at pati siya ay tinitigan din ako, but only for a couple of seconds.

"Mama, ang bata naman po niya kung siya si Celestine, diba?" Tumawa yung tita ni Thunder

Tumawa din ang lola ni Thunder "Right! What am I thinking? Pasensya ka na hija. Kamukha mo kasi yung kababata nitong si Karen" sumulyap siya sa tita ni Thunder

"Okay lang po" tipid akong ngumiti.

Now, my curiosity is piqued about what she just told me. Salvatore? Salvatore... Right! Naalala ko iyong gabing nag eavesdrop ako habang nag-uusap sila mama. Dela Fuente at Salvatore.. I need to know more.

"Handa na yung meryenda ninyo sa likod" ngumiti ang kanyang lola sa amin

"Okay. Let's go?" Anyaya ni Thunder

Dumaan muna kami sa dining room bago namin narating ang likod ng bahay. Malawak iyon at sa gilid nito ay may iba't ibang klase ng bulaklak. Mayroon ding swimming pool na may footbridge sa gitna.

Sa gilid ay kita ko ang pahabang lamesa na puno ng iba't ibang putahe ng pagkain. May mga softdrinks at juice pa. May mga tatlo pang lamesa na walang laman, siguro ay doon kami uupo.

"Sige na. Kain na. Wag kayong mahihiya. Okay?" Sabi ni tita Karen

Lumapit kami sa lamesang may mga pagkain. Parang pinaghandaan nila ang pagpunta namin dito dahil sa dami ng niluto nila. May pancit, spaghetti, barbeque, lenchon manok at iba pa.

Nang makakuha na kami ng pagkain ay umupo kami ni Angie sa isang table na wala pang nakaupo. Si Kara at Enna kasi ay umupo sa table nina Mark. Doon sana kami uupo kaso puno na.

"Can we sit here?" Tanong ng isang pamilyar na baritonong boses

Sabay kaming tumingala ni Angie. Nakita namin sila Dylan na nkatayo sa harap ng lamesa namin.

"Of course! Nagtanong pa kayo!" She laughed

Umupo silang lahat at nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan sila at nag-asaran habang kami ni Angie ay nakikitawa lang din.

"Ang weak nila  Thunder at Dylan kanina! Pano ba naman kasi hindi nagdidilig" Kantyaw ni Axel

Halos mabuga ko ang iniinum kong juice dahil sa sinabi niya. Napaubo ako ng malakas dahil sa biglaang pagkalunok ko ng juice.

"Ayos ka lang?" Hinagod ni Angie ang likod ko

"Oo" nahihirapan kong sagot at binigyan siya ng thumbs up.

"Ayos ka lang talaga? Dalhin na kita sa hospital para makasigurado tayo" nag-aalalang sabi ni Dylan. Tumango ako

"Tangina kasi nitong si Axel eh. Gago!" Binatukan ni Thunder si Axel

"Wankers! Totoo naman kasi. Nagce celibate ba kayo?" Humagalpak ng tawa si Marvin

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at pilit pinipigilan ang ngiti na gustong kumuwala sa aking labi. Marami akong natutunan na kabalbalan mula sa kapatid at mga pinsan ko pati na sa mga kaibigan kong lalaki kaya naman naintindihan ko ang sinabi ni Axel.

"Fuck you!" Asik ni Dylan at binato si Axel ng kutsara

"No, thanks, dude! I prefer pussy than asshole" seryoso pa ang pagkakasabi ni Axel

Fall AgainWhere stories live. Discover now