Chapter 6

53.2K 1.5K 1K
                                    

SO MUCH HATE



SAMANTHA's•


Sa tinagal-tagal ng pagiging estudyante ko, ngayon lang ako pumasok ng maaga. It feels...really different. Though, I still don't like it. This too early vibe is not for me. Tanghaling tapat ako kung gumising. Napilitan lang ako ngayon—pinilit lang ako, rather. Paano ba naman kasi si Akaizha...may kung anong kaluluwa ang sumapi sa kanya at bigla na lamang akong binulabog sa mahimbing kong tulog.


Gosh, alas syete? Okay lang siya?!


Sa canteen ako dumeritso nang makarating sa paaralan. Hindi ko na kailangang magtanong pa dahil alam kong doon ko siya makikita. Mas malapit kasi 'yon sa parking area kaya doon lagi ang aming meeting place sa tuwing papasok, at kaya rin lagi kaming sabay sa pag-attend ng mga classes. Hindi kami mapaghiwalay.


Naabutan ko siyang nakatayo sa labas, sa tabi ng entrance ng canteen, nakabusangot ng malala. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay pansin ko na agad ang humahaba na naman niyang nguso na ikinaismid ko dahil mukhang madadamay ako sa kung ano mang inaarte niya ngayon. She's obviously not in a good mood. And, I'm already wondering why.


"Hey, good morning." I greeted.


She scoffed. See? That's a mood. A bad mood. "There's nothing good in the morning, Samantha." She shook hardly and scoffed again. "Nothing good."


"Yeah, nothing good. Binulabog mo lang naman ang umaga ko," irap na sagot ko. "Dapat mamaya pa ako papasok eh. Ano bang meron? Bakit ganyan ang mukha mo? Idadamay mo pa yata ako sa pagkasira ng araw mo ah."


"Samahan mo ako sa may corridor," sabi niya sa halip na sagutin ang tanong ko.


I rolled eyes again and crossed arms. "Why don't you tell me first what's going on? I deserve to know because first of all...girl, you disturbed my soooo good sleep!" I snapped.


Bumuntong hininga siya at sinulyapan ako ng mabilis bago sinagot. "Tch. May aabangan tayo." Pansin ko ang biglang pagtiim-bagang niya dala ng kung anong inis na nararamdaman. "Grrr, I am so...frustrated right now, Sam! Sooo annoyed!"


"Annoyed with what? With who?" Tanong ko. Bumuntong hininga na naman siya, mas marahas sa nauna. "What happened? May nakaaway ka ba?"


Parang kahapon lang binabaan niya ako ng tawag dahil ayaw niya akong tulungan sa pangt'trip na gagawin ko kay dugyot pero ito na siya...may kaaway na at aabangan pa niya.


"Something really bad happened!" She almost exaggerates her expression.


"Di'ba ayaw mo nang maging bully? Tapos malalaman ko ngayon...higit pa pala dun ang gagawin mo." I snorted. Unbelievable! "Mas malala ka pa pala sa'kin. Sino ba 'to? May nang-away ba sayo?"


"No, but this person disrespected me!" Napataas ang kilay ko. Hmm, disrespected? "She's just someone not important, but doesn't mean she can get away with what she did!"


"Okay?"


"Kahapon pa ako nab'badtrip, Sam. Hindi mawala ang pagmumukha ng babaeng 'yon sa isipan ko!" Dagdag niya pa. Parang gusto ko namang matawa dahil hindi na talaga maipinta ang mukha niya ngayon. "So, let's go. Let's get this done!" Nagpatiuna siya sa paglalakad. Hindi ako makapaniwala sa narinig pero sumunod na lamang din ako.


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon