Chapter 20

54.6K 1.6K 1.3K
                                    

NO STRINGS ATTACHED



December 15



IN three days, Christmas break na namin, which means may mahabang panahon ako para makapag isip-isip because I feel like I need to escape just to figure things out. I don't like my little life decisions these past few days. I should take some time to reflect and think clearly because...Sky, what the heck is wrong with you? I don't know you anymore! Madalas hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gusto ko munang mawala ng five days or so.



Dalawang linggo na simula nang kulitin ko si Monteclaro para hiramin ang flashdrive, at isang linggo na simula nang iwasan ko siya. Yes, I'm back sa iwas-iwas gaming. May nangyari kasi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove-on.



Unang-una—I almost confessed to her. Ito ang mismong araw na bumalik ako sa school para kunin sa kanya ang USB drive. Hindi ko alam ang iniisip ko noong mga oras na iyon, I just wanted to see her and watch that math video she made for me. Emosyonal ako no'n at masyadong nadala sa nararamdaman ko, which is wrong, isang malaking pagkakamali. Hindi ako nag-isip ng tama at inilagay ko sa alanganin ang puso ko. I was very careful pero na-corner pa rin ako. Sa kagustuhan kong makuha ang drive...pinilit ko siya, halos magmakaawa na nga ako, pero wala akong napala, tumanggi pa rin siya at nagmatigas. I was so pissed off. At dahil sa samot-saring nararamdaman ko noong mga oras na iyon, muntik ko nang isigaw sa kanya na gusto ko siya. My thoughts was exactly like this, 'Siguro alam mo na gusto kita kaya ginaganito mo ako! Gusto mo sigurong lalo pa akong mahulog sayo!' Ang drama 'di ba? Muntik ko lang naman mabitiwan ang mga salitang 'yan nang harap-harapan, mabuti na lamang dumating ang tampalasan niyang boyfriend na pinagbintangan pa akong inaaway si monster. Doon ako natauhan. Napagtanto ko rin na kung aamin man ako, hindi iyon ang tamang oras. That was such a stupid move.



Pangalawa; ang naging dahilan ng pag-iwas ko...jealousy. Sabi ko pa sa sarili ko, I would never get jealous lalo na kung kay Steph lang naman na hindi naman kaselos-selos. Duh. Sino ba siya?! But guess what, I ate my own words. Tao lang din naman po ako, nagseselos din. Iyon nga lang bakit doon pa sa lalaking 'yon? Pinagselosan ko si John Steph na hindi naman deserving mapabilang sa buhay ni Monteclaro. Kung tatanungin niyo ulit ako—not the old me ah—HINDI SILA BAGAY! Hindi katanggap-tanggap; and I need a whole slideshow presentation explaining how on earth they ended up together. Pero minsan may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag 'no? Anyway, ito ako, social distancing na naman sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapaninindigan 'to, basta ang goal ko lang ay bumalik ako sa aking katinuan. Tanggap ko nang hulog na hulog na ako, okay? Wala nang makakasalba pa. Mahal ko na siya. But as much as I want to limit myself, minsan ay kinukontra ako ng emosyon ko. It's craving for more. I want her. I need her in my life. Pero hindi nga kasi pwede! May mahal siyang iba kaya dapat kong irespeto 'yon at dapat handa ko rin tanggapin kung hanggang saan lang ako sa buhay niya. Hinding-hindi magkakagusto sa'kin si Samantha Khail. Bukod sa mahirap siyang abutin, she's not into girls. Not into someone like me, to be specific. She's against same sex relationship, too. Kaya mas mabuti nang habang maaga pa, aware ako at tanggap ko na walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko, or let me just pretend that I am completely cool with it, even though I am not.



'Ms. Samantha Monteclaro, maganda ka pero hindi kita type dahil kagaya mo straight din ako. At kung hindi man, kung baliko man ako, hindi pa rin kita magiging type because a person who is homophonic as you turns me off!'



Bigla ko na lamang naalala ang mga tinapon kong salita sa kanya noon. Wala man lang paninindigan, Sky? Kung makakaharap ko lang ang sarili ko na nagsabi no'n, babatukan ko talaga siya. Masyado niya akong pinapahiya ngayon. Busog na busog na ako kakakain ng mga salitang binibitiwan ko ng tapos. Nakakaimbyerna.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon