Chapter 2

69.3K 1.7K 2.8K
                                    

MEETING THE MONSTER


SKYLIE's•



"Mom, dad? People from the Philippines, pasok na po ako!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Muntik pa akong madulas sa sobrang pagmamadali. Mal'late na kasi ako dahil ang bwesit kong alarm clock, ayon hindi na naman naasahan sa oras ng pangangailangan. Pihado isang masarap na almusal ng sermon ang makukuha ko mula kay sir at maririnig ko na naman ang makaluma niyang linya na 'ang aga mo para sa next subject'. "Mommy! Dad!"



Naabutan ko ang aking beautiful family na nagb'breakfast nang wala ako. Husay, lunes na lunes hindi man lang ako ginising. Pare-pareho silang natigilan pagpasok ko ng dining area. Nagkatinginan pa silang tatlo.



Masyado siguro akong maganda today kaya shock sila. I woke up like this po.



"Morning. What's with the faces?" Matabang na bati ko.



Napansin ko pa ang pagbulong ni ate kay mommy na ikinataas ng kilay ko pero hindi ko na lamang pinansin. Tinignan ko ulit ang sariling repleksyon sa human size mirror na nasa tabi ng refrigerator. Kapansin-pansing hindi maganda ang gising ko, pero kere lang, pretty pa rin naman.



Bumaling ako sa pamilya ko. "Hindi niyo naman ako ginising, mommy!"



"Bakit kita gigisingin——!"



"Matulog ka kasi ng maaga!" Sabat ni ate at makahulugang sinulyapan sina mommy at daddy.



"Hoy, ano 'yon?!" Akala niya ba hindi ko napapansin ang mga tingin niya?! "Anong tingin 'yon? Anong meron?!"



"Huh? Nothing. Kulang ka lang sa tulog. At teka, may pasok kayo?"



"Oo! Kayo ba wala? Sitting pretty kayo diyan ah."



"Wala," she smirked.



"Tch. Kaya wala kang natututunan eh," ismid kong sagot saka lumapit sa direksyon nila.



Dalawa lang kaming magkapatid—kung dugo ang pag-uusapan. Her name is Ingrid Reign, of course, Fuentes. Hindi naman malandi ang ina namin para magmula siya sa ibang ama. Malayong-malayo ang ugali at personalidad naming dalawa kaya lagi kaming nag-aaway. Ganon naman yata talaga ang magkakapatid. Common na ang hindi magkasundo dahil walang araw na hindi kami nagbabangayan. Sa aming dalawa, ako ang mas umaaktong matanda kahit siya ang panganay, at 'yon ang kinaiinisan ko. Pero hindi naman puro pamimintas ito, ang totoo...kung papipiliin ako ng magiging kapatid, siya at siya pa rin ang pipiliin ko. She's very supportive. At naf'feel ko naman ang effort niya na magpaka-ate sa'kin. She's trying and doing her best, and I appreciate that.



"H'wag kana kayang pumasok, anak. Kumain ka na lang dito," wika ni daddy sabay tingin sa relo niya. "Late kana yata."



"Mal'late pa lang po. Daddy naman, ngayon pa talaga? Samantalang noong bata ako lagi niyo akong pinapalo kapag ayaw kong pumasok tapos ngayon ayaw niyo na akong papasukin?" Natatawang sabi ko at lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at ganon din si mommy. "Sa school nalang po ako kakain. Enjoy niyo breakfast niyo." Lumapit ako kay ate. Nag-irapan muna kami saka ko siya natatawang hinalikan sa pisngi.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon