Chapter 6. *Anything for Ellie*

148 2 0
                                    

Chapter 6.

Napagpasyahan ng barkada na pumunta sa beach resort para mag outing. Kasama ang mga kaibigan ni Billy at mga kaibigan ni Ellie. Dalawang araw at isang gabi lang sila dahil yun lang ang bilin ng parents ni Ellie. Halos mag gagabi na ng makarating sila sa resort kaya bawat sandali sinusulit nilang dalawa ng magkasama.

 Naglalakad sila sa tabi ng dagat, magkahawak ang kamay. "Shorty, tingin dito sa camera!"

Tumingin naman si Ellie sa camera at ngumiti. "Mas maganda kapa sa view shorty. Sana pala hindi nalang tayo umalis ng bahay at tinignan nalang kita magdamag."

"Hahaha bolero! Sira ka talaga!"

"Sinong sira? Ha? Sinong sira?" hinabol ni Billy si Ellie at nagtakbuhan sila sa tabing dagat.

"Hahaha sorry na! Hindi na. Ako. Ako yung sira." Nang maabutan ni Billy si Ellie, binuhat niya ito at naglakad siya sa beach habang buhat buhat niya ito.

"Shorty, ang gaan mo pala. Kaya kitang kargahin hangga't sa makarating tayo dun oh!" tapos tinuro ni Billy yung tent na itinayo nila kanina.

"Haha mahirap talagang maging sexy noh!"

"Sige Shorty. Libre lang naman mangarap."

"Aba! Sinasabi mo ba na hindi ako sexy? sama!" -_-

"Sexy ka noh. Wala ng mas sesexy pa sa Shorty ko. Ikaw ang pinaka maganda, pinaka sexy at lahat na para sakin. Ikaw lang Ellie. Haha fishy ka talaga." napangiti dun si Ellie at mas hinigpitan ang kapit kay Billy habang buhat siya nito. Nakarating sila sa tent at umupo sa loob nun.

"Fishy?" tanong ni Ellie.

"Fishy. Fishing for compliments. Haha pero ayos lang. Totoo naman lahat ng yun."

"Fatty.. tignan mo yung sunset. Ang ganda! Kung sa gabi ako yung star, sa tingin mo pwede akong maging yung sun sa umaga?"

"hmm.. ikaw yung skies." Umaasa si Ellie na sasabihin sakanya ng Fatty niya na siya yung sun, pero iba ang sinabi nito.

"Hindi ako yung sun? Bakit? Eh pano ikaw?" :(

"Ako yung dagat. I want to be the sea, and I want you to be the skies. So I will always look up at you. May mga panahon kayang walang sun. Ayokong dumating yung mga panahon na wala ka. Kasi madilim, malungkot. So please be the skies para lagi kang andyan at andito lang din ako."

"Diba hindi naman puro dagat ang mundo? May land din pano yun? May mga parte sa mundo na na andun ako -- pero wala ka?"

"I know. And those are other people in your life. Shorty, 70% ng mundo, dagat. 30% lang yung land. Kaya hindi na ko lugi dun ah! Basta Shorty, kung nasan ka andun ako. Kung mount everest ka, snow ako para lagi akong nakadikit sayo. Kaso figurative speech lang to eh. Hindi to totoo. Hindi ka literal na star, skies, at mountain.. nagkataon na naging si Ellie ka. Kaya ayun, naging ikaw si Shorty at ako naman si Fatty. At hindi nag iiwanan yung dalawang yun. Kahit na anong mangyari!"

Napangiti dun si Ellie naiisip niya na parang bata yung kaharap niya. "Ang cute cute mo! Fatty.. gusto ko malaman mo na.. maswerte ako at dumating ka. Na mahal mo ko. At gusto kong malaman mo na mahal din kita. Mahal na mahal."

Napatingin sakanya si Billy. "Shorty.. Mas mahal kita. Kung mo lang." hinawakan niya yung mga pisngi ni Ellie. "My love for you will go on even after the sun sets. My once in a lifetime." 

A reason to stay (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon