Chapter 4: "Beneath the lit up sky" ♥

124 2 0
                                    

Chapter 4 

Kinabukasan, maaga palang pumunta na si Billy sa bahay ng shorty niya. At pag dating niya dito, nakita niyang nakasakay na sa kotse si Ellie. Naglakad siya sinusundan niya yung kotse dahil mabagal palang naman yung takbo nito.

"Shorty!" tawag nya at napatingin naman ito sakanya. At agad agad na ngumiti ito. At ng dahil sa ngiting yun, buo na naman ang araw ni Billy. Bumaba si Ellie mula sa sasakyan.

"Fatty! Anong ginagawa mo dito?"

"Good Morning shorty! Wala ba manlang good morning? Haha wala hindi na kasi ako makapag antay na makita ka."

"Good morning Fatty! Haha pero baka makita ka ni mama hindi pa tayo nakakalayo sa bahay."

"Sorry. Hindi naman ako sasabay sayo sa pag pasok, pero pwede bagalan niyo yung pagda drive para makahabol ako sainyo? Maglalakad ako tapos titignan kita mula sa salamin ng kotse. Oh diba! Para narin kitang katabi nun."

Napangiti si Ellie. At yung ngiting yun, yun yung ngiting ngayon lang nakita ng mama niya. Nakatingin ito sakanilang dalawa mula sa bintana ng kwarto nito. Pinagmamasdan sila Ellie at Billy.

Sumilip si Ellie sa driver sa loob, "Manong. Pwede po bang maglakad nalang ako? Tapos sundan niyo nalang po kami ng kotse? please po." 

"Ma'am, pasensya na po pero iniutos po talaga sakin ng mama niyo na ihatid kayo sa eskwelahan."

"ihahatid nyo parin naman po ako eh, ang pagkaka iba lang po nasa labas ako ng kotse. Please manong? Please?" napakamot nalang sa ulo si manong at tumango nalang kay Ellie.

Tumabi siya kay Billy at sabay silang naglakad papuntang school habang sinasabayan sila ng kotse nila Ellie.

"Napanaginipan kita kagabi." Agad na sabi ni Billy

"Really? I can't remember exactly but I think I also dreamt about you."

"Talaga? Buti hindi ka binangungot?"

"Hahaha sira ka talaga! It was a good dream. Kung naalala ko pa ng maayos, I think you were reaching for me. I am somewhere up. Maybe up the stairs? Hahaha!"

"Baka para kang bituin tapos inaabot kita? Haha! Shorty, I'll always reach up for you."

"Why are you going to reach for me? When I'm always right beside you? You were the moon right?" then they gave each other their smiles.

Nang makarating sila sa school, hinatid na ni Billy si Ellie sa classroom nila. "Shorty."

"Hmm?"

"Next year, pag fourth year na tayo, gagawin ko lahat para maging magkaklase tayo."

"Haha really? Sige. I think that will be awesome! You and I as classmates! See you later Fatty!" tapos nag wave pa sila sa isa't isa bago tuluyang pumasok ng classroom si Ellie.

**

Break time at nagpaalam si Ellie na may meeting sila sa Student council room kaya hindi siya makakasabay kay Billy kumain. Hindi naman masyadong nag alala si Billy dahil makakasama niya naman ito mamayang uwian.

"Talaga? Itatakas mo si Ellie? MAG TATANAN KAYO?!" Tapos tumalsik sa pisngi ni Billy yung kanin mula sa bibig ni Mang Tomas. Kumakain sila ngayon sa loob ng classroom at magkakaharap sila.

A reason to stay (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon