Chapter 3. "To the star and the moon" ♥

63 2 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ng nangyaring yun kay Ellie, hindi na siya pinayagan ng parents niya na maglakad pa papunta o pauwi galing school. Hatid sundo na siya ng driver at hindi narin siya pwedeng mag stay sa school ng matagal after ng dismissal nila. Naparusahan naman si Aya at Tina. Dapat ikikick out sila from school kaya lang nakiusap yung mga parents nila sa parents ni Ellie kung pwede kahit suspension nalang dahil graduating students nga sila. Napatawad na ni Ellie yung dalawa kaya pinag bigyan na nila ito.

Tuwing recess at lunch nagkakasabay parin si Ellie at Billy. Pero para kay Billy, iba parin yung hinahatid at sinusundo niya si Ellie. Namimiss niya na yung ngiti nito sakanya tuwing umaga. Namimiss niya ng laging kasama si Ellie.

Nakaupo ngayon sila Billybilbil, Natnat at Mang Tomas sa classroom nila. Nag aantay ng next teacher.

"Grabe! Ang bangis mo tol! Gwapo mo idol na kita! Biruin mo ah. Si Ellie na ang bait bait nakipag away para sayo? Sambahin si idol! SAMBAHIN!" sigaw ni Natnat habang nag bobow sa harap ni Billybilbil na para bang sumasamba talaga.

"Oo nga! Penge namang konting kagwapuhan idol! Like a pogi! Master of gwapology major in fallin in love with Ellie!" hirit naman ni Mang Tomas.

"Hahaha Gago ba kayo? Kaya nga nakipag away si Ellie dahil kung ano anong sinasabi nung dalawang babae tungkol sakin. Pinag tanggol niya lang ako."

"Ay naku billybilbil! Kung sumasama ka kasi samin nitong si Mang Tomas na mag gym edi sana macho kana rin gaya namin at wala ng masasabi pa yung mga echas dyan tungkol sayo. Gwapo ka naman eh, ang taba mo lang tol. Tama na ang pag iidol kay John Lloyd brad, panahon na para idolin si Derek Ramsey!"

binato naman ng notebook ni Billy si Natnat, "Hahaha ina mo! Ayoko. Baka mamaya hindi na ko tawaging Fatty ni Ellie pag naging macho ako. Kung alam mo lang kung gano kasweet at kacute pakinggan si Ellie pag sinasabi niyang 'Fatty' shet! Parang gusto kong magpasalamat sa mga bilbil ko. Ang tunay na lalaki, may tabs!"

"Hahaha ulol ka tol ang drama mo! Ayaw mo nun? Mapapalitan ng hunky yung fatty?" tapos tumingin si Natnat kay Mang Tomas. Nag babaeng boses tapos nagpanggap na kunyaring si Ellie.

"Hello hunky my baby! I love you! Mwah! Mwah! Mwah!" tapos akmang kikiss pa si Natnat sa kaibigan. 

"Hihihi. Shorty, I love you too with all my abs and soul! Mwah! Mwah! Mwah!" pag sakay naman ni Mang Tomas.

Natawa nalang si Billy, "Haha! ewan ko sainyong dalawa! Pag na in love kayo mga parekoy, maiintindihan niyo sinasabi ko."

"Bakit tol? In love naman tong si Mang Tomas eh! In love sa February cover model ng FHM at playboy magazine! Ang laki kasi. Ang laki ng future nila ni Mang Tomas."

"Tigilan mo ko Natnat de coconut! pag ako nagka girlfriend, iiwan ka na namin ni Billybilbil mag isa. Magpapa bangs ka pag tapos maglalalaslas. Magiging emo kana!"

"Waaah! Wag mga bro. Taena niyong gravy at bilbil kayo! Wag nyo ko pag palit sa mga babae niyo!"

At nagtawanan lang silang tatlo. Alam naman nila yung totoo eh. Na kahit makahanap man ng girlfriend yung isa, walang iwanan. Susuportahan pa nila yung isa't isa. Dahil para sakanila kaligayahan ng isa, kaligayahan ng lahat. True friends! Mahihiya ang solid sa states of matter sa pagka SOLID nila!

** 

Uwian, pumunta si Billy sa tapat ng bahay nila Ellie. Umupo siya sa pavement at pinagmasdan yung kwarto ni Ellie. Miss na miss nya agad to kahit na magkasama lang sila kaninang lunch. Gusto niya lang siguraduhin na naka uwi ang shorty niya ng safe.

A reason to stay (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon