MPH 14

19.2K 373 24
                                    

CHAPTER 14 

Megan

Where am i?

BAT NAKABIHIS NA AKO!? 

BAT NASA KWARTO NA AKO?!

PAANO AKO NAKA UWI!?

Di kaya..... si...

Dali -dali akong lumabas ng kwarto at nagmadaling kumaripas nang takbo papunta sa sala. 

BAT WALANG TAO DITO?!

"Goodmorning Ganda" 

Nagulat naman ako sa boses na nagsalita. Tiningnan ko kung sino yung nagsasalita sa kusina, akala ko si manang, pero parang boses pang dalaga. 

Pagtingin ko kung sino, Hindi nga ako nagkakamali, isang babae! and she is pretty.

"S-sino ka?" Tanong ko. Mukhang kumakain siya ng almusal, kaya nilapitan ko siya. 

"Sabi ko na nga ba magtatanong ka kung sino ako. Wag kang mag-alala, im Ken's sister, Kylie. Nice to meet you"

Ahh. So kapatid ni Ken? Kaya pala mag kamukha sila. 

"Ah. Nice to meet you din" Sabi ko sabay upo narin. Siguro mag aalmusal nalang ako bago maligo.

"Bakit ka napa dito?" Tanong ko. para naman hindi awkward. 

"Ay! Oo. Itong topak ko kasi na kapatid, ginawa akong yaya. ako yung pinapabihis sayo kagabi. Kaya wag kang mag alala kung nagtataka ka kung sino ang nagbihis sayo"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Ok babae yung nagbihis sakin. Thank god. 

"Ah talaga? Thanks po" Sabi ko and beamed a smile at her. what's with my po!?

"nako wag kang mag po sakin, ate nalang"

"Ah, sige a-ate" Sagot ko. Kumain nalang ako para hindi nakakailang. 

"Hey girl, matanong nga kita, ka ano-ano mo si nini?" 

what? sinong nini? 

"Ha? Sinong nini?" Pagtataka ko. 

Parang na shock naman si ate Kylie sa sinabi ko at tinakpan niya yung bibig niya.

"HALA! OMG SORRY! PATAY! I'm doomed! wag mong sabihin na sinabi ko ha? PATAY TALAGA AKO!" 

Anong pinagsasabi niya? tsaka sinong nini?

"Eh sino kasi si nini?" 

"Well. Si uhm. Ken. Nickname niya yun nung bata pa siya. Kinamumuhian niya nga yun eh"

Nabilaukan naman ako sa narinig ko.

"Pfft. Sige hindi ko sasabihin." Pinipigilan ko yung tawa ko. HAHA PAKSHET NINI!

"Nako wag mong sabihin ha? Oh sige maligo kana, may pasok kapa diba?" 

So, pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa taas, at nung nasa may pinto na ako, bigla namang bumukas yung pinto sa kabila at lumabas si Ken na nakabihis na. 

"Uhm. Ok kana?" Pagsisimula niya.

May malaking impact talaga yong presensya niya para sakin. Hindi ko alam bakit.

"Ok na. "Sabi ko at pumasok na sa kwarto. 

Ayun naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos, bumaba na ako, at yun nga, kumakain ang magkapatid. 

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now