MPH 20

16.2K 373 39
                                    

CHAPTER 20 


Megan

Naglalakad ako ngayon dito sa school's garden. Kanina pa ako nag libot-libot sa campus pero hindi ko pa talaga nakita si Ken. tsk.

Baka naman nasa labas siya ng campus? Megan naman isip-isip din pag may time.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng campus. Bat ko nga pala hinahanap si Ken!?

Bahala na basta hahanapin ko si Ken, TAPOS.

Naglalakad na ako sa may hallway. Konti lang yung mga estudyante ngayon sa hallway kasi yung iba nasa mga rooms nila.

Hanggang sa may nakita akong dalawang tao na parang nag-uusap. Lalaki at babae! Lumapit ako ng konti. Hindi naman to si Ken kasi medyo matangkad tong lalaking to.

Nang makalapit na ako sa kanila. Si Monica at si Chad! Mukhang maghahalikan na nga sila!

Lumabas naman yung kakulitan ko. Mapag tripan nga to.

"HOY!" Sigaw ko.

"AY KALABAW NA LUMILIPAD!" Sigaw ni Monica. Nataranta naman silang dalawa. Habang ako tawa ng tawa sa mga reaksyon nila.

"KAINIS KA NAMAN MEG!" Sigaw ni Chad.

"Hoy kayo ha! ako pa ngayon ang kainis?! Anong meron sa inyo?! Bat parang maghahalikan na sana kayo kanina!?" Tumigil na ako sa pagtawa.

Wag nilang sabihin na magkasintahan din sila. Ang dami ko nang alam na lihim kung ganun.

"EH SI CHAD KASI!" Sigaw ni Monica.

" ANONG CHAD?! GINUSTO MO NAMAN YUN EH!" Sigaw ni Chad.

Hahay. Nag-aayaw pa kayo. I-untog ko yang mga ulo niyo eh.

"Hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko. "Sabi ko naman sabay taas ng kilay.

"Hindi kami! Medyo ano lang..." Sabi ni Monica.

"Medyo ano?"

"M.U? Parang ganon."

Sabi na nga ba.

"Kaya pala muntik na kayong maghahalikan kanina?" Tanong ko.

"OO! Yun na yon eh! umepal ka pa! Kainis!" Pagdabog ni Chad.

So kaya pala hindi namin kasama si Monica kanina kasi kasama niya pala si Chad. Lumalandi na tong babaeng to.

Ay teka! hinahanap ko pala si Ken.

"Nakita niyo ba si Ken?" Pag iba ko nang topic.

"Ken? hindi eh." Sabi ni Monica.

"Bakit? Baka gusto mong tawagan?" Tanong ni Chad.

Oo nga no? pwede ko siyang tawagan. So ayun, binigay na ni Chad yung number ni Ken at tuluyan na akong umalis.

Malapit na ako sa gate. Tatawagan ko na nga yung lalaking yun. Nakailang ring naman yung bago niya sinagot. Akala ko nga hindi niya sasagutin.

"HOY!" Ang formal ng pagbati ko sa kanya no?

[Sino to?]

"Si Meg to!"

[Meg? O napatawag ka ata? Na miss moko?] Ang yabang ng isang to.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now