MPH 7

18.9K 441 2
                                    

CHAPTER 7 

Megan

Pagkatapos nung usapan at bonding namin kasama yung mga barkada ni Monica, umalis na ako at pumunta na nang bahay para mag impake kasi aalis na ako at pupunta sa bahay ng kaibigan ni mom.

Pinapa handa ko na yung mga gamit ko kay manong driver at nagsimula na siyang mag biyahe . Habang nag bibiyahe, nag tataka talaga ako kung saang lupa pupunta.

"Manong driver, saan ba tayo pupunta?" 

"Eh sa Greenhills Subdivision po raw sabi ng Mom niyo" Sagot naman ni manong.

Ah okay. Wait bakit ba ako kinakabahan? There is this weird feeling inside me. Nanlamig pa nga at pinapawisan yung mga kamay ko eh. 

Parang may mali eh. feeling ko may masamang mangyari.

Kenzei

"Manang! ano ba yang ginagawa niyo?! yung titira jan nalang yung palilinisin niyo!" 

Eh paano ba kasi si manang kanina pa nililinis yung kwarto na titirhan ng anak ng kaibigan ni mama.

Parang ni renovate niya na nga eh. Pathetic. 

"Konti nalang to hijo, lilinisin ko nalang tong cabinet" Sabi ni Manang. 

"Eh manang parang i renovate niyo na tong kwarto nato ah. Tsaka bat hindi itim yung kulay? o kaya blue? " Tanong ko.

"Eh kasi hijo, hindi natin alam kung lalaki ba talaga ang titira dito. Malay mo, babae pala. Baka ayaw niya ng mga maiitim na kulay" Explain ni manang. 

babae? Well damn how i really wish na babae nga. Pero malabo naman ata. Tsk. 

Wala na akong magawa kaya pinabayaan ko nalang si manang at pumunta nalang ako sa kwarto ko. 

My phone suddenly vibrated so i picked it up from the bedside table. I'm holding a phone on my right hand and a clay at my left.

 Mom calling....

"Hello ma?" 

[Hello anak, kumusta? andyan naba siya? ]

"Wala pa. ang tagal nga eh." 

[Wag kang mag alala. darating rin yun]

"Ma baket ba kasi sasamahan ko pa siya? pwede namang si manang nalang ang kasama niya."

[ Wag ka nang magreklamo. May mga anak kasi si manang na nag-aaral pa kaya part time lang siyang pupunta diyan. Oh sige nak i'll call u later, may meeting pa kami. Magpaka bait ka ha? wag mong ipalabas yang masama mong ugali. Love you nak ]

"Oh sige ma, Love you" 

Narinig kong may mga yabag sa baba. Mukhang may nagsisigaw pa nga eh. andyan na siguro siya. Tsk. Binalik ko yung phone at clay sa bedside table. 

"Pasok!" Sigaw ko at lumabas na nang kwarto. 

Huminto ako sa may hagdanan para tingnan kung sino ang nasa main door at- 

"IKAW NA NAMAN!" 

"WHAT THE FUCK!" napasigaw ako kasi ang ingay shit.

Megan

WOW. Ang ganda ng mansion. 

Tapos ang ganda ganda ng mga halaman. Parang pang mayaman talaga. 

Naglakad na ako papunta sa main door habang nakasunod naman si manong driver habang hawak- hawak ang mga maleta ko.

Naglakad ako papunta sa main door.

"Hello?" wala naman atang tao dito eh. Inulit-ulit ko pa yun hanggang sa may sumigaw pabalik.

"Pasok!" May sumigaw sa loob. 

Sa pagkarinig ko, dahan-dahan kong tinulak ang pintuan at pumasok sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay na pinasukan ko.

Dito na talaga ako titira?

Habang na aaninag ako sa bahay, may narinig akong tinig nang sapatos na tumatakbo galing sa second floor.

May biglang sumulpot na lalaki sa pinaka taas ng hagdan at pag lingon nito sakin, di ko mapigilang mapanganga sa taong nakita ko.

"IKAW?!" nagulat ako sa lalaking nakita ko! I'ts him! The clay guy! and the guy na muntik na akong sagasaan!

"What are you doing here?"  

BAKET SIYA!? SIYA!? JUSKO PO ANONG KASALANAN ANG NAGAWA KO AT SIYA ANG MAKASAMA KO SA TATLONG BUWAN!

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw ko sa kanya.

"IKAW? AKO DAPAT MAGTATANONG KUNG ANONG GINAGAWA MO DITO!" 

"Oh hija, ikaw naba yung titira dito?" Tanong nung manang na bigla nalang sumulpot. Napa-ayos naman ako ng tayo sabay harap sa manang.

"Opo" Sagot ko. wait- what? did i just said opo? 

"Whatever!" Sigaw ni mayabang.

"Sino po siya!? Ano ginagawa.niya dito?" Tanong ko ni manang. 

Bumalik na si mayabang sa itaas at binalabag yung pinto. Pathetic. 

"Ah siya yung anak ng may ari dito. Si Kenzei Jon Gonzales" Sabi naman ni manang.

What?! Siya yung anak ng kaibigan ni mom? Kung minamalas ka nga naman oh!

"Dito hija, sumunod ka, dito ang kwarto mo" Sabi ni manang.

Sumunod nalang ako at pumasok na ako sa kwarto ko. 

Ang ganda ng kwarto ko! Simple lang siya pero edgy yung design. Unisex talaga siya na room. I like it.

Pagkatapos kong nilagay yung mga gamit ko sa cabinet, Humiga muna ako sa kama para magpahinga.

shet naman to oh. Kung minamalas ka talaga. 

THIS IS GONNA BE A LONG NIGHT. Might as well just rest. 

_

VOTE AND COMMENT! thanks for reading! ♥

-revised

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon