Chapter 18: Plans, Preparation And Jealousy

4.4K 109 24
                                    

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

'Nature is at work. Character and destiny are her handiwork. She gives us love and hate, jealousy and reverence. All that is ours is the power to choose which impulse we shall follow.'  -- David Seabury

^_____^

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 18 *~

Plans, Preparation And Jealousy

= Yoh's POV =

*BLAG*

*BLAG*

*BLAG-BLAG*

*BLAG*

*BLAG*

*BLAG-BLAG*

Papasok pa lang ako sa cottage yun agad ang sumalubong sa'kin. Mukhang may badtrip na naman sa tropa ah. Malamang si Edge. Siya lang naman ang mahilig gumamit ng punching bag sa fitness area, which is katapatan ng pinto, under the loft.

Sa left side ng room naman ay ang entertainment area. A 42" flat screen mounted on the wall, a dvd player on top of a humongous speaker na napaggigitnaan ng dalawang shelves ng dvd's. Tapos sa middle part ng cottage ay ang mga couches at bean bags. Sa right side naman ay ang kitchen. Napaggigitnaan naman ng fitness room at kitchen ang bathroom. May basement din kaso pool table, poker table at minibar lang ang nandoon.

Pumasok na ako sa loob at instead na si Edge ang makita ko na naglalabas ng galit sa punching bag... eh si Kuya IV ang nandoon. Samantalang hindi naman niya yun ginagalaw dati. Mas gusto niya pa yung nalaban ang sinusuntok.

*BLAG-BLAG*

Hindi pa din kaya siya pinapansin ni Ate?

Daig pa tuloy ni Kuya ang nagmemenopause. Wawa naman. Should I even tell him that I saw Ate Yumi and Kuya Edge laughing together in the music room?

Uhhh... maybe not. Baka ako pa mapagbalingan ng selos ng taong 'to.

*BLAG*

*BLAG-BLAG*

Kung hindi ako nagkakamali, this is all new to him, since pagkabata pa lang daw ay allergic na siya sa mga babae according to Kuya Edge. So he doesn't really understand how the mind of a girl works.

Ako, kahit mas bata ako sa kanila, mas matured naman ako pagdating sa relationships. Kaya nga three years na kami ng girlfriend ko.

*BLAG*

At sa aming lima, ako pa lang ang may girlfriend. Baka maging dalalwa na, kaso napaka-hina naman ng manok ko. Inexperienced. Hehe. Kung nakababasa lang ng isip 'tong si Kuya IV, kanina pa ako nakasalampak sa lupa at walang buhay. Pasalamat na lang at tao pa din siya, kahit medyo abnormal ang lakas.

"Kuya..." tawag ko.

*BLAG*

"Kuya...?"

*BLAG*

Nice! Dedma na naman. Isa pa.

"Kuya... si Ate Yumi..."

Pigil tawa naman ako dahil bigla siyang tumigil at humarap, tapos nagpalinga-linga. Hinahanap siguro si Ate Yumi at ng hindi makita, grabe ang talim ng mata ng tumingin sa'kin.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon