Chapter 2: If Only Words Can Kill

6.1K 156 7
                                    

………………………………….ooOoo…..

= A/N: =

I chose Kim Jae Wook as Fritz and that's him on the right  --->

(  ~_^  )

………………………………….ooOoo…..

~* Chapter 2 : If Only Words Can Kill *~

“WHERE THE HELL HAVE YOU BEEN?”

Yan ang unang bumungad sa’kin pagpasok na pagpasok ko sa opisina ni Kuya. Inintay niya naman akong makapagsara ng pintuan pero hindi niya na naintay na maupo ako.

“ANSWER ME DAMN IT!”

"Relax Kuya... baka pumutok mga litid mo." Pagbibiro ko para mapagaan yung atmosphere dito sa office niya. Kung magkaka-form lang ang tensiyon na ine-emit ni Kuya, magiging liquid siguro at kanina pa ako nalunod.

"SAGUTIN MO TANONG KO!" Mas lalo pa yatang tumaas at lumakas ang boses niya.

Naman! Nababadtrip na din ako ha. Alam kong mali ako pero ang OA na! Naupo ako sa pinakamalapit na upuan at huminga ng malalim bago sumagot. "I’m sorry Kuya… Nasa campus library kasi ako and I got carried away with the book that I was reading and I didn't notice the time...."

"THAT’S IT?" Nang-aarok na yung tingin niya.

"Uhm. Yeah." 

"Okay."

Napakiling ako ng ulo dahil sa biglang pagbabago ng ugali niya. Paano ba naman kasi! Bigla na lang kumalma. Bipolar talaga 'tong taong 'to. And I thought katapusan na ng buhay ko kanina! All that dread for nothing? Psssh! At least now I know kung anong pwede kong gamitin na alibi next time na lumampas ulit ako sa curfew. Kaso... baka hindi na maging effective...

"SO... who's the guy that you brought in? And what happened to him?" malumanay niyang tanong.

Dahil sa bigla na lang nagbago ang mood niya, hindi ko na nagawang pagnilay-nilayan muna ang sagot ko. "I actually don't know him. I just saw him after fighting with the biggest kapre’s that you can imagine…

“Huh?”

“…can you believe the injustice in this world Kuya! Walo sila na pinagtutulungan yung guy tapos may hawak pa silang mga dos-por-dos.”

"SAY WHAT?!"

Halos tumalon ang puso ko palabas ng ribcage sa sobrang gulat. Bigla na naman kasing sumigaw. Bakit na naman? Ano bang sinabi ko...? Then realization sinks in in my muddled mind. AY!

"Aheheh..." Stupid STUPID me talaga! Me and my big mouth!

"How many times have I told you NOT TO FIGHT?"

"86 times...." wala sa loob kong sagot. Napangiwi ako ng biglang hampasin ni Kuya yung mesa niya. Sinagot ko lang naman tanong niya eh. Naman eh...

"Namimilosopo ka pa?"

Ay hindi! Sabi ko sa loob-loob ko. Para sinabi ko lang yung totoo. "Hindi naman..." I answered out loud.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon