Chapter 12.2 :: Gusto ko na un kalimutan..

146 1 1
                                    

Sorry for my late update again..

Kakatapos lang ng Foundation Day namin eh..

By the way, siya nga pala si Mark Ezekiel Nevalga -------------------->

^^ pogi no? haha

So here's my update.

Enjoy :">

+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+

[Ghie's P.O.V]

*Flashback*

"Please Ghie? ngayon lang ito promise" 

Kasalukuyang nasa tabing dagat ako kasama ang dakila kong kababata na si Mark.

"Ayaw ko nga! Walanjo mo naman Mark! hindi biro ang kasal no?" tanggi ko sa kanyang pabor.

Halerr? Gawin ba naman akong kunyariang asawa!

"Naman eh! dali na.." at nagpaawa ang loko.. "2years lang naman.. Dali na! ayaw ko makasal sa taong hindi ko mahal!.." napatigil ito sandali na nagpacurious naman sa akin.. "I mean.. ayaw kong maging produkto ng arranged marriage.."

Tinaasan ko siya ng kilay..

"Bakit pa kasi ako? Ha?" 

"Ehh .. Kasi...kasi... Ikaw lang naging kaClose ko.." naging malambing ang tono ng boses niya..

"Ahh~ hindi ako pwedeng bumigay! Bakit kasi ang lakas ng dating nito sa akin eh..!" sabi ng isip ko..

"Chos! palusot mo! ang sabihin mo.. mukha lang kasi akong uto-uto!" nag-pout ako.. "Sa totoo lang, pwede ka namang pumick up diyan sa tabi-tabi.."  sumubo ako ng konting Leche Flan na inorder namin..

"Hindi ako ganoon.. kahit naman papaano, marunong akong pumili.." 

"At talagang ako ang pinili mo?" 

Tumango ito.. 

"Naman!" napabuntung hininga ako.. "Teka, kung sakali mang tanggapin ko yang alok mo, ano ang mga benefits ko? may insurance ba yan? tsaka ano ung mga mga bawal?"

Lumiwanag ang mukha nito..

"Kahit mag-asawa na tayo, magkahiwalay tayo ng kwarto. Don't worry.. I'll treat you like a queen.. May trabaho naman na ako.." ngumiti ito ng napakatamis.. labas ang 32 teeth.. XD "So payag ka na?"

"Hmm..." sumubo ulit ako ng leche flan.. "Sige na nga.. Basta kapag wala ang mga magulang mo.. walang sweet churvaness ha?"

"Pasalamat ka hindi kita matanggihan!" gusto ko pa sana isatinig iyon. kaso baka makahalata..

na gusto ko siya..

Ehemm.. hindi ako mgttake advantage.. kasi ang lahat ng ito ay pawang usapan lang..

"Talaga???" kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata ang saya.. "Sure na yan??"

"Paulit-ulit? siya bawiin ko na.."

"Hindi.. Naninigurado lang ako.." tumayo siya at lumapit sa akin..

at...

NIYAKAP niya ako..

"Pinasaya mo ako! Promise.. magiging mabuti akong asawa.. kahit kunyarian lang.." bakas sa kanya ang saya.. 

Natuwa naman ako dun.. XD 

"Wala bang Engagement ring? ganoon ganoon nalang un? hindi man lang magppropose?" pabulong kong biro sa kanya.. 

"Syemre.." at pinakawalan niya ako.. "Meron!" lumuhod siya sa harapan ko.. at may kinuha sa bulsa.. 

High School Reunion, what's new? [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon