Chapter 4 :: Ikaw!?

137 3 3
                                    

Vote.Like.Comment

(:

+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+

"Sayang naman. Hindi ko man lang nalaman ang name niya. Mai-search man lang sa FB mamaya. Hmmp. Ba't naman kasi ang dami talagang pogi sa mundo? Hays, nakakainis. Hindi na tuloy siya maalis sa isipan ko! amp na amp.." Umiling ako.

"Oh? may problema Angel?" agad na tanong ni Kaede.

"Ah .. eh wala.. Naalala ko lang ung naiwan kong trabaho sa Singapore." palusot ko naman. 

"Ganoon ba? Hmm. Kung ako sa'yo, huwag mo munang alalahanin iyon. We're here to enjoy." at ngumiti siya sa akin. 

"Okay, sa-sabi mo eh." at kumuha ako ng fries. Pampawala lang ng tense. 

[Bryan's P.O.V]

"Ahhh~ ayos to ah. Parang kailan lang na nangangarap pa kami. Eto na kami ngayon, halos lahat eh successful. Ang iba may sariling business, ung iba naman matataas ang posisyon sa kani-kanilang trabaho." 

"Hoy, Bryan! Ano naman ang iniisip mo diyan ha? Bakit ang tahimik mo ngayon?" si Chelle un, ang pinaka-loka loka sa amin dati. Pero ngayon, daig mo pa ang model sa itsura. 

"Ah, wala.. Natutuwa lang ako.. Tingnan mo oh, after 10 years.. Nagkasama-sama ulit tayo.." pagkasabi ko nun, biglang nag-ring ang phone ko. "Wait lang ah.." nag-excuse muna ako sa kausap ko at tsaka sinagot ang phone ko..

--

"Hello?" ako na agad ang nagsalita.

"Mahal ko, kamusta kayo diyan?" si Aira, asawa ko. Nasa Cebu siya ngayon dahil involve siya sa isang project ng company nila.

"Ayos lang kami dito.. Ikaw talaga, tumawag ka pa.." malambing kong sabi sa kanya. 1 year na kaming kasal, pero dahil sa trabaho namin, hindi pa rin kami makapaghoneymoon.

"Syempre naman, nag-aalala ako sa 'yo eh. Oh siya, start na ulit kami. Ingat ka diyan ah? I love you." 

"I love you too mahal. I miss you na."

"I miss you too." at binaba na niya ang phone.

--

"Si ate ba iyon?" tanong sa akin ni Irish.

"Ah, oo. Bakit?" sagot ko naman.

"Ahh, wala lang." at bumalik na ulit siya sa paggamit ng laptop niya.

♫♪ Okay, soundtrip mode ang buong barkada. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Ah~ nakakamiss ang high school life.

[Kaede's P.O.V]

Type dito. Type doon.

Okay, mukhang kakainin ko ang sinabi ko kay Angel kanina. Eto ako ngayon, may tinatapos na report. Ano bang sinasabi kong 'mag-enjoy'? -________- It's kinda irritating.

Enter dito. Enter doon. Edit dito. Edit doon. Save dito. Save doon. Bukas dito. Bukas doon.

Nakaramdam na ako ng pananakit ng ulo. Hinilot ko sandali ang aking sintido tsaka sandaling sumulyap sa katabi kong babae.

Halaa, nakatulog na pala siya. Tsk tsk tsk, hindi ko man lang na-entertain.

Itinabi ko muna ang laptop ko kasi medyo nakaramdam na rin ako ng pagod at sakit ng ulo. Pagkatpos ko maitabi ang mga ginamit ko, napatingin ako ulit sa babae.

"Halatang pagod 'tong batang to ah.." Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at itinabi ko sa likod ng tenga niya. Bigla tuloy akong natigilan. "After 10 years, wala pa rin siyang pinagbago.. She still looks so extraordinary woman for me. Ganoon pa rin ang dating niya sa akin."

High School Reunion, what's new? [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon