Chapter 6 :: Oh my~

128 1 2
                                    

Like a G6.. Like a G6 ♫♪

Okay.. Ayos 'to.. Ala-singko palang eh party party na.. 

Walang tigil na kwentuhan.. Walang tigil na tawanan.. 

"Naalala niyo ba mga kaibigan ? nung adviser natin si Sir Nes... ang daming nangyri.. ah~ grabe.. pgraduate na nga tayo, dami pa ring issues.." kwento ni Czar na dati eh.. uhuging bata lang.. ngaun eh, bigtime captain na ng barko.. and as usual, tulad nga ng plano, magkasyoso sila ni Enrico sa negosyo..

"Oo nga eh, grabe ! akala ko talaga hindi na ako mkakagraduate nun!" sabi naman ni Darrel na siyang nakatoka sa ihaw-ihaw..

Grabe ang ingay ng paligid.. well, kung iniicp niyong nahihiya kami, pwes hindi.. bakit? eh Solo kaya namin ang pinakamagandang part ng beach na iyon.. Syempre, si Ghie lang naman ang may-ari nun.. :D

Habang sila ay busy, ako naman ay nasa dalampasigan.. Nagmumuni-muni.. Iniisip kung sino ang "Mr.Boring" na yon.. Hays..

Lakad dito..

Lakad doon..

hmp..

May nararamdaman akong sumusunod sa likuran ko.

"Sa tingin ko.. Si Lorence 'to.. hmp" sa isip isip ko..

Tulad nga ng nakagawian ko, tumakbo ako ng mabilis at nagtago agad sa malapit na malaking bato.. 

Hinintay ko kung magpapakita nga siya..

3..

2..

1..

"Gusto mo ng BBQ?" biglang may nagsalita sa likuran ko..

"AY !! puto't kutsinta....!! " halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Pero nakaramdam ako ng dismaya sa hindi ko malamang dahilan.. "Ikaw pala 'yan Kaede! Kaasar ka.. Matatanggal puso ko sau ah!" at hinampas ko siya ng malakas sa balikat.

"Aray!" sabay haplos sa part na hinampas ko.. "Hindi ko alam na magugulatin ka pala.."

"Natural? eh kelan mo ba ako kinilala? kahit nga yata magkaClassmate pa tayo dati eh hindi mo alam ang pangalan ko.. Hmp.." gusto ko sana isatinig ang mga linyang iyon.. kaso baka magalit sa akin.. "Sa susunod kasi wag mo akong gugulatin! malakas kaya ako sa kape.!" at padabog ko siyang iniwan..

"Teka! sandali.." binilisan niya ang takbo.. at hinarangan ako.. "Sorry na.. Gusto lang naman kitang alukin ng BBQ.."

Agad ko siyang nilampasan..

"Wait!" at agad-agad niyang nahawakan ang kamay ko..

Dug.. Dug.. Dug.. Dug.. Dug .. Dug.. Dug.. Dug..

/\__/\_____/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\.. <---- naging ganito ang tibok ng puso ko.. hawak palang un ah!

Feel ko may kumukuryente sa kamay ko.. Pero ganoon pa man, LIKE na LIKE ko ung pakiramdam!

"Oops.. Sorry..again?" at binitawan na niya ang kamay ko.. 

Tumalikod ako agad para hindi niya mahalatang namumula ako.. Naglakad na ako at humanap ng magandang pwesto para mapanuod ang paglubog ng araw..

Hindi ko inaasahan na susundan pala ako ni Kaede. At tumabi pa siya sa akin!

"Sorry na talaga .. Hindi ko na uulitin 'yun.. Pero in fairness, kahit nagsusungit ka, ang ganda mo pa rin pala.." at ngumisi ito..

o__________O ??

Napatingin ako sa kanya.. ung tingin na nagsasabing "Huh?" with matching taas kilay.. sabay irap..

High School Reunion, what's new? [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon