Chapter 8 :: Nakakabaliw ~~ pramis!

128 1 5
                                    

Well, kung nacucurious kayo kung sino ung mga characters ng story ko..

Don't worry.. Ipopost ko na sila.. *ung mga main characters lng ha?*

Eto si Angel [ request kasi ng mamee ghie ko :D ] hindi nman cguro mxma to? ^^ ------->

Eto na po update ko.. Hope you like it :P

*REPOST*

+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+.+

Maya-maya lang ay nagpakita na rin ang buwan..

Siya ay si....

si...

si....

~~~~~~

"Angel.. Angel?" biglang nagdilim ang pagilid ko.. "Gising Angel.."

"Hmm..." dahan-dahan akong nagmulat ng mata dahil nakaramdam ako ng pananakit ng katawan.."Teka.. Naliligo ako hindi ba? at may huma~ tma.. may humalik sa akin.."  nang maisip ko iyon, napamulat ako bigla.. Kahit madilim pa, namukhaan ko agad ang taong gumigising sa akin.. at sobrang lapit ng mukha niya na parang sinusuri yata ako.. Napabalikwas ako ng bangon.. "Te~ teka.. Ba't ka nandito Kaede?.." Napahawak ako sa labi ko.. 

Kumunot noo nito na nabasa yata ang iniisip ko.. "Wala akong ginawa sa'yo Angel.. Nawala ka kasi bigla.. Kaya nag-alala lang ako sa'yo.. Nung mapadako ako sa may dalampasigan, naaninag kita kaya pinuntahan kita dito..."

Hinawi ko ang buhok ko at iniwas ang mata ko sa kanya.. *awkward eh* " Ah~ eh.. Ganoon ba? Sige, ba-balik na tayo.." buti nlng medyo madilim pa.. hindi mpapansin ang pamumula ng mukha ko.. Assuming si ate eh.. "Teka, anong oras na nga ba?"  *pouts*

Dali-dali akong tumayo at pinulot ang mga dala-dala ko.. 

"Wait~!" agad na nahawakan ni Kaede ang isang kamay ko.. "Ang puso ko na naman ate.." *panic panic* tumayo na rin siya.. pero hawak pa rin ang kamay ko.. "Ako na magdadala nan.." 

"A-ako n-na.." mabilis kong hinagilap ang kamay ko .. at dahil na rin sa pag-papanic.. hindi ko napansin na may malaking bato pala sa paanan ko.. "A-aray!" agad kong sigaw ng mapahakbang ko.. at medyo malakas pa.. "Ah~ aray.."  naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.. at sa sobrang sakit.. halos ma-out of balance ako.. T_T

"Okay ka lang ba?" agad akong naalalayan ni Kaede.. "Wait.. Upo ka muna.." at un nga ang ginawa ko.. Inilabas niya ang maliit na flashlight.. "Saan masakit?" 

"Dun.. Dun sa may kanang hinlalaki ko.." para akong bata habang tinuturo ang namamaga ko na yatang hinlalaki..  Inilawan niya nga iyon..

"Halaa, nagdudugo.." parang nang-aasar pang wika nito..

T_T

"Eh.. nman eh.. iiyak na ako.."  gusto ko sana sabihin iyon kaso parang hindi bagay..

"Kaya mo maglakad..?" malambing niyang tanong..

"Hindi ko alam eh.." at tlga nmang halata na sa boses ko na gusto kong umiyak.. 

"Ganoon ba?.." tinago niya ulit ung flashlight.. at tumalikod sa akin.. "Pumasan ka nalang.."

"Hah? Eh? Ma-mabigat ako! Susubukan ko nalang maglakad.." nang sinubukan kong tumayo, kumirot agad ung sugat ko kaya natumba ako kay Kaede.. Buti nalang nakatalikod ito kundi.. ahh ayaw ko ng isipin ang mangyayari..

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!" medyo napasigaw ito.. nakaramdam tuloy ako ng takot.. " Tana na nga..!" inalalayan niya ako para mapasan niya ako ng maayos.. at parang bulak lang na binuhat niya ako...

High School Reunion, what's new? [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon