Chapter 10

23 0 0
                                    

After 1 year..

"Mommy run!" Masayang sigaw ni Jarvin. Nasa playground sila ng tinitirhang subdivision naglalaro sila ng anak, naghahabulan.. Habang si Ate Rhea naman masayang nakamasid sa kanila. Nang mapagod naupo siya sa isang bench na naroon. Ang yaya naman nito ang pumalit sa kanya sa pakikipaglaro sa anak tila walang kapaguran itong nakipaghabulan muli.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw, nang tingnan niya ang suot na wrist watch pasado alas otso palang ng umaga. May isang butil ng pawis na tumulo sa kanyang noo, pinahid niya iyon ng sariling mga kamay pero may sumunod pa uli ng

akma niyang punusan ulit iyon may isang mabilis na kamay na may hawak na panyo ang nagpahid nun. Kaya sa kamay nito siya napahawak.

"Dapat lagi kang may dalang towel para hindi ka matutuyuan ng pawis, magkakasakit ka sa ginagawa mo eh". Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa pamilyar na boses na narinig niya, nais niyang makasiguro.

Gayon na lamang ang galak na nadarama niya ng masilayan muli ang mukha ng lalaking halos isang taon niyang hinanap at inantay.

"James?" Aniyang sabay tayo sa kinauupuan. Malapad itong ngumiti, napaiyak naman siya sabay yakap dito.

"I miss you so much!" Naramdaman niyang hinaplos nito ang likuran niya.

"I miss you too Joy". Ani nito saka kumalas sa pagkakayakap niya.

"You look good now, already happy?" Hindi siya umimik nanatili lang siyang nakatitig sa binata habang tumutulo ang luha.

"Anu ba yan, isang taon na ang nakakaraan ng huli tayong magkita na umiiyak ka hanggang ngayon umiiyak ka parin?" Ani nito saka marahang pinunasan ang luhang pumapatak sa pisngi niya.

"Sinasaktan ka parin ba niya kaya ka umiiyak ngayon?" Muling tanong nito. Umiling siya.

"Kung ganun bakit ka umiiyak? Kanina ko pa kayo pinagmamasdan mukhang masaya na kayo". May pait nitong turan.

"Namiss kita ng sobra James". Tanging naisatinig niya.

"Namiss din kita, sobra Joy".

"Bakit nawala ka ng matagal saan ka nagpunta, James?"

"Sa ibang bansa, lumayo ako para hindi na ako masaktan pa, para hindi na kita makita o maisip pa, pero mali pala kahit anong gawin ko hindi ko magawang kalimutan ka, walang sandali na hindi kita naiisip Joy, kaya bumalik ako rito para bigyan ng katahimikan ang puso ko, gusto kong malaman kung masaya ka ba sa piling niya dahil kung hindi muli kitang babawiin sa kanya, kaso sa nakita ko kanina mukhang-".

"Wala na siya, James". Nagulat ang binata sa sinabi niya.

"Anong wala na siya? Sino?" Ulit nito.

"Wala na si Alvin, patay na siya". Mahinang turan niya.

"Kailan pa? I mean bakit? Sa anong dahilan?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumalikod siya sa binata pumunta siya sa isang malagong puno at doon naupo sa malaking ugat nun. Masyado na kasing masakit ang sikat ng araw na tumatama sa balat niya.

Tahimik namang sumunod ang binata sa kanya, naupo din ito sa tabi niya.

"Pinatay siya ni Celine." Aniya saka sumariwa sa isipan ang araw na sumama siya kay Alvin.

***********

"Anu ang ibig sabihin nito?" Galit na salubong sa kanila ni Celine ng makita sila ng anak.

"Hindi pa ba maliwanag sayo Celine?" Singhal ni Alvin sa babae.

"Hindi ako papayag Alvin na basta mo nalang ako ibasura!" Singhal din nito sa asawa.

IKAW NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon