Chapter 7

16 0 0
                                    

Naramdaman niya ang paghaplos ng binata sa likuran niya pababa sa may puwetan niya. Biglang nagblink ang isipan niya naitulak niya ng malakas ang binata.

"Bakit?" Takang tanong nito.

"Mali James eh". Aniya saka umiyak ng umiyak.

"Shhhh, tahan na". Pang-aalo naman nito.

"I'm sorry, kung naging mapangahas ako pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, Joy". Ani nitong yakap yakap na siya habang hinahaplos ang likuran niya.

"I love you so much". Dagdag pa nito saka hinagkan siya sa noo.

"Iuwi mo na ako James". Aniya sa pagitan ng paghikbi.

"Okay pero bukas na palipasin muna natin ang magdamag na kasama kita please, kahit ngayon lang Joy". Pakiusap nito.

Napilitan siyang tumango. Ramdam niya ang labis na galak sa kilos nito. Nahagkan pa siya nito ng ilang beses sa mga labi at niyakap yakap ng pagkahigpit-higpit.

Nakahawak ang binata sa beywang niya ng lumabas sila ng videokehan na iyon. Napadaan sila sa iilan pang pwesto ng kubo na naroon na mayroon ding videoke machine.

"Hindi siya maaaring magkamali si Celine ang babaeng iyon". Aniya sa isipan saka tinanggal ang nakahawak na kamay ni James sa beywang niya.

Lumapit siya sa kubo na kung saan naroon si Celine at Alvin. Kasalukuyang sumasayaw ang dalawa kasabay ng musikang tumutogtog sa videoke. Ayaw niyang masaktan pero parang winawarak ang puso niya sa nasaksihang eksena naghahalikan na ang dalawa hindi manlang napansin na naroon siya. Habang si James tahimik lang na nakatayo sa likuran niya. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Sa pagkalaki-laki ng mundo dito ko lang pala matatagpuan ang bestfriend ko at ang mahal kong asawa!" Aniyang pinagdidiinan pa ang mga katagang pantukoy sa mga ito. Takot ang nakita niya sa mukha ni Celine ng tumingin ito sa gawi niya habang galit naman ang kay Alvin. Agad itong sumiksik sa likuran ng asawa ng akmang susugurin niya ang babae.

"Pwede ba Joyce tumigil ka na! Pabayaan mo na kami!" Galit na turan ni Alvin sa kanya.

"Oo! Pababayaan ko na kayo pagkatapos kong gawin ito sa inyo!" Dumiritso ang kamao niya sa mukha ni Celine hindi napaghandaan ng mga ito iyon, kaya sapol ang babae sa bahaging ilong nito. Ganoon din si Alvin tumama ang suntok niya sa bahaging noo nito.

Napangiwi siya sa sakit na nadadarama sa kamay niya ng tingnan niya ito namumula ang kamao niya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi siya halos matanggal ang balat niya sa sobrang hapdi na naramdaman.

Sasaktan pa sana siyang muli ni Alvin ng nakisali si James. Di hamak na mas malaki ang katawan ni James kumpara sa asawa niya mas matangkad din ito.

"Isang sampal pa pare at papatulan na kita! Bakla ka". Turan nito na nakaamba pa ang kamao sa asawa.

"At sino naman itong pakielamero na ito, Joyce?" Baling sa kanya ng asawa na dinuro-duro pa ang binata. Galit niyang kinagat ang daliri nito. Saka isang mabilis na tadyak ang ginawa niya sa pagkalalaki nito.

"Yan ang nababagay sayong demonyo ka!" Bulyaw niya dito, habang namilipit ito sa sakit. Saka binalingan si Celine.

"Ayan, Girl iyong-iyo na iyang asawa ko!"

"Tara na, James". Aniya sa binata saka kumapit sa braso nito.

"Oo nga pala, Alvin ito nga pala si James, boyfriend ko". Pagpapakilala niyang diniinan pa ang katagang boyfriend saka ginawaran niya ng mainit na halik si James sa labi sa mismong harap ng mga ito.

"Ayan, quits na tayo, pero sa akin si Jarvin". Dagdag pa niya saka tinalikuran na nila ang mga ito. Naiwang nakatulala si Celine habang si Alvin namimilipit parin sa sakit.

IKAW NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon