Chapter 5

15 0 0
                                    

"Bakit ka pumapayag na saktan ka niya ng ganun?" Tanong ni James sa kanya. Isang linggo ang nakakaraan magmula ng huli silang magkita.

Kasalukuyan silang nasa clubhouse ng tinitirhang subdivision, gaya ng dati hindi sinasadyang magkit silang muli, nakaupo sa iisang bench na nkapalibot sa playground. Isang umaga habang nagjojoging siya ganun din ito.

"Hindi naman sa pumapayag ako, bakit sino ba ang may gustong saktan ka ng partner mo? Wala naman diba?" Aniyang nakatitig dito.

"Wala nga, i mean bakit hindi ka nalang umalis doon sa bahay niya?" Seryosong tanong nito.

Napabuntong hininga siya.

"Mahal mo pa ba siya?" Muli siyang napabuntong hininga, ipinagtapat sa kanya ng binata na nakita nito ang eksena sa pagitan nila ng asawa isang linggo na ang nakakaraan.

"Ewan". Matipid niyang tugon.

"Mali naman ang sagot mo eh". Sa pagkakataong iyon napatayo ang binata.

Naka boxer shorts ito pares ang rubber shoes at body fit na sando.

"Wala ka bang girlfriend?" Tanong niya na marahil hindi nito inaasahan base sa expression ng mukha nito.

"Iniiba mo naman ang usapan eh, mamaya na ako.

Ikaw muna". Muli itong naupo sa tabi niya.

"Ayoko lang masira ang pamilya ko, mahal na mahal ko ang anak ko, ayokong sumbatan niya ako paglaki niya". Emosyonal niyang tugon.

"Maiintindihan niya yon pagdating ng araw, kaysa naman lumaki siya sa ganyang klase ng pamilya, buo nga kayo ngunit nirerespeto niyo ba ang isa't-isa?" Natigilan siya sa tanong nito.

Totoo nga naman. Tuluyan ng pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Wag ka ng umiyak, pwede ka namang lumaban eh, wag mong ipapakita na mahina ka". Pang-aalo nito.

"Salamat! pasensya ka na". Aniya saka marahang pinunasan ang luha.

"Pwede mo siyang ireklamo". Nagulat siya sa tinuran nito.

"Bakit may nasabi ba akong masama?"

"Wala naman, ayoko lang ng gulo, ayoko namang umabot sa ganun ang lahat". Aniya sa mahinang boses.

"Ikaw ang bahala". Ani nitong napabuntong hininga.

"Ikaw kwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo". Aniya makalipas ang ilang minuto nilang pananahimik.

"Wala ka bang girlfriend?" Dagdag pa niya.

"Wala eh". Matipid nitong tugon.

"Bakit naman wala? Sa itsura mong yan hindi ako naniniwala".

"Meron akong mahal pero hindi ko alam kung mahal din ba niya ako". Ani nitong napatingin sa kanya.

"Bakit ayaw mong sabihin? Malay mo inaantay ka lang din pala niya". Tiningnan niya din ito, sa pagkakataong yon titig na titig sila sa isa't-isa.

"Paano ko sasabihin yon kung ang babaeng tinutukoy ko ay pag-aari na ng iba?" Natigilan siya sa sinabi nito.

"Ako ba ang tinutukoy niya?" Aniya sa sarili.

"Oo ikaw nga!" Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya hindi dahil sa tinuran nito kundi dahil sa sinabi ng isipan niya.

Ganun ba siya ka-transparent para mabasa nito ang laman ng isipan niya?

"Joy, alam ko biglaan ito, baka sabihin mo sinasamantala ko ang pagkakataon na magulo ang utak mo, pero una palang kitang nakita sa lugar na to gusto na kita, mahal na kita". Mahabang pahayag nito.

IKAW NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon