Chapter 8

18 0 0
                                    

Sa bar ang naisipang puntahan ni Alvin. Doon nagpakalasing siya, gulong-gulo ang utak niya.

"Oh God! anu ba itong nagawa ko? hindi ko na alam kung paano pa ayusin ang mga nasira ko!" Mahinang usal niya.

"Hi, pogi gusto mo samahan kita?" Maarteng sambit ng seksing babae na lumapit sa kanya, batid niyang isa itong G.R.O doon.

"Isa ka pa! lumayas ka sa harapan ko!" Galit niyang singhal sa babae na agad namang lumayo.

"Mga tukso kayo!" Pahabol pa niya.

Inis siyang tumayonag-iwan lang siya ng pera sa mesa saka lumabas na ng bar gusto niyang pumunta sa lugar kung saan wala siyang makikitang babae sa lugar na walang tukso.

Sumakay siya ng kotse doon siya napadpad sa baywalk. Bumaba siya at naglakad-lakad sa paligid ng dagat, nang mapagod na naupo siya sa isang bench na nakaharap sa dagat. Tumulo ang kanyang mga luha.

"Huli na ba ang lahat para ako'y magbago?"

"Joyce, patawarin niyo ako, sana mapatawad mo pa ako". Mahinang usal niya.

Punong-puno ng pagsisisi ang nasa puso niya.

Tumayo siya muli at naglakad, napadaan siya sa groupo ng mga teenager na nagkakasayahang nakaupo sa isang tent habang nagvivideoke.

Nag-iisa at hindi mapakali

Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi

Pinipilit kong limutin ka

Ngunit di magawa

Sa bawat kong galaw

Ay laging hanap ka

Natigilan siya sa kinanta ng isang teenager na naroon lumapit siya dito.

"Toy, pwede bang ako ang kakanta?" Aniyang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, nakabusiness attire siya ng mga sandaling iyon kaya alam niyang mukha siyang kagalang-galang.

Hindi nagdalawang isip ang teenager at inabot sa kanya ang micropono.

Nag-iisa ang isang kagaya mo 

Na nagmahal at nagtiyaga

Sa isang katulad ko

Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga

Nagsisisi ngayong wala ka na

Sapol na sapol ang damdamin niya sa bawat katagang kinakanta niya kaya hindi niya napigilang umiyak. Nagtataka namang tinapik siya sa balikat ng teenager na nag-abot sa kanya ng micropono.

"Sir okay lang po ba kayo?" Magalang nitong tanong. Sunod-sunod na tango ang sagot niya. Saka marahang pinunasan ng panyo ang luha niya.

Kulang ako kung wala ka

Di ako mabubuo kung di kita kasama

Nasanay na ako na lagi kang nariyan

Di ko kayang mag-isa

Puso ay pagbigyan

Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Damang-dama niya ang pagkanta. Pangit man tingnan sa kagaya niyang lalaki pero todo iyak na siya.

"Kulang ako kung wala ka Joyce". Aniyang napatingin sa kanya ang mga teenager na naroon.

"Sir iniwan ka?" Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Tumango siya saka kinuha ang wallet sa bulsa kumuha siya ng pera at inabot sa mga ito.

"Ang dami naman nito sir!" Nagulat na tanong nito.

IKAW NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon