Twelve Fifty-One

9K 182 12
                                    

Twelve Fifty-One

Naranasan niyo na bang mabuhay pero para ka na rin namang patay? Yung tipong humihinga ka nga pero wala kang kabuhay-buhay; wala kang ganang mabuhay. Yung tipong physically okay ka pero pakiramdam mo, durog na durog ka na. Lalo na yung…puso mo.

Ako kasi, oo.

Oo. I’m physically alive but emotionally dead. Physically intact but emotionally broken.

Oo. Ganyan nga ako. Mula nung… iwan niya ko.

“Mas mabuti na lang siguro kung magbreak muna tayo.” Para akong pinagtakluban ng langit at lupa nang mga sandaling yun.

 

“B-bakit?”

“Sure kang gusto mong malaman?” Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Oo. Gusto kong malaman. Kailangan kong malaman.” Hindi siya agad sumagot. Halos hindi na ko makahinga sa sobrang pagpipigil sa mga luha ko.

 

“Hindi kasi ako sigurado kung tayo na nga ba talaga.” TANGINA. Yan ang unang salitang pumasok sa utak ko. Tangina. So anong pinaggagagawa namin all these times? Landian? Tangina.

 

“Masaya ka ba sakin?”

“Masaya naman.”

 

“Seryoso ka ba sakin?” Tinignan niya ng diretso ang mga mata ko.

“Tingin mo ba hindi ako seryoso sayo?” Huminga akong malalim bago ko sabihin ang huling tanong ko sakaniya.

 

“Mahal mo ba ko?” Nabalot kami ng katahimikan. Lumungkot ang mga mata niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin sakin.

 

“Oo.”

 

“Pero sinusuko mo ko. Nang hindi man lang sinusubukan lumaban.” Yumuko siya. Tumulo ang luha ko.

“Sige. Bye.” Tumalikod ako at nagunaw na ang mundo ko.

Pakiramdam ko gusto ko nang mamatay.

Hindi. Gusto ko na talagang mamatay nang mga sandaling yun.

“TANGINA. PUTANGINA NINYONG LAHAT!” Sinalo ako ng best friend kong si Abi. Muntik na kasi akong matumba.

 

“Uy. Ano ka ba, Kara?! Tama na nga yan! Lalaki lang yan! Jusko…” Inagaw niya sakin ang bote ng alak na hawak ko.

Tama siya. Tama si Abi. “Lalaki lang yan” pero… mahal ko e. Sakaniya umikot ang mundo ko. Masama ba kung magluksa muna ako? Masama bang umiyak muna ko? Nasaktan ako e.

Sinubukan ko naman e. Sinubukan kong magmove on. Hindi kami nagpansinan. Nag-iwasan. Itinuring naming hangin ang isa’t isa sa tuwing magkakasalubong kami. But at some point, we got tired of pretending.

“Ouch!”

“Ay. Sorry, mi—Kara…”

Akala ko makakalimutan ko din siya. Akala ko talaga. Pero…

“Long time a. Namiss kita.”

…isang ngiti lang niya, tumibok na ulit ang puso ko.

Niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Lumapit ako sa edge ng pool at ipinikit ang mga mata. Naalala ko naman lahat ng ala-ala naming dalawa. Mula sa masasayang sandali hanggang sa…

 “Jason! Jason! Wag kang susuko, Jason!”

“Ang totoo niyan…”

“tayo na lang ulit. Sakin ka na lang ulit. Please?”

“Tulungan mo siyang magmove on, Abi.”

“Bakit? E kung mahal mo pa naman—“

“May nagugustuhan na kong iba.”

“…may leukaemia si Jason. May taning na ang buhay niya.”

“Jason. Please. Wag mo kong iiwan.”

 

“Pwede ba?! Hindi na nga sabi kita mahal e! Look. Someday, you’ll find someone who will love you the way you deserve. Someone who can be your guardian angel. Yung poprotektahan at aalagaan ka. It’s just that… hindi kasi ako yung someone na yun, Kara.”

 

“12:51. Time of death.”

 

“Pero maniwala ka. Mahal talaga kita.”

 

Iminulat ko ang mga mata ko. Napatingin sa malaking orasan ng school na kita mula sa kinatatayuan ko. Nakakatawa. 12:51 na daw. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at…tumalon sa pool.

Oo nga pala. Hindi ako marunong lumangoy.

“Jason… mahal na mahal kita.”

 

“Miss! Miss! Gumising ka! Lintik naman o! MISS!!!” unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nasa langit na ba ako?

“Jason…”

“Hay! Buti na lang… Grabe a. Tinakot mo ko, miss.  Sobra.” Sumalampak siya sa floor ng pool area.

“Jason? Walang Jason dito. Pero may anghel naman sa tabi mo.” Ngumiti siya. Yung ngiting aso na tinatawag nila.

“Angelo nga pala.”

 

At unti-unting nabuo ang nagunaw kong mundo.

One Shot Short StoriesWhere stories live. Discover now