Stolen Shots

5.3K 134 5
                                    

Stolen Shots

Nagkukusot kusot pa ko ng mga mata habang pinapatay ko yung nakakarinding tunog ng alarm ko.

Haaay... Kailangan na namang gumising. Kailangan na namang pumasok sa school para imeet ang mga nakakatakot at nakakatawang mga prof at para na rin mastress. On the other hand, it’s another chance for me to see him.

Unti-unti namang nagform ng smile yung lips ko sa very thought of him. Ahihihi! Umaarangkada na naman ang kalandian ko. E pasensiya naman a. Tatlong taon ko na kasing crush ang isang him na itago na lamang natin sa pangalang Daniel Castrillo, my forever crush.

Nanonood kami ng laro ng basketball nun e. Sinama ako ng best friend kong si Nesa para suportahan daw namin yung boyfriend niyang basketball player. Hindi ako basketball fan pero kapag nanonood talaga ko ng mga ganito, di ko maiwasang macarried away. So nung intense na yung laban at biglang nakapoint yung kalaban ng team ng boyfriend ni Nesa dahil kay Number 14 na team mate niya, di ko naiwasang mapasigaw.

“HOY! NUMBER 14! UMAYOS KA NGAAAA!”

For some reasons, nasa mega phone mode ang boses ko at kahit nasa kadulu-duluhan kami ng bleachers e mukhang narinig ako ni Number 14 dahil bigla siyang napatingin sa direction kung nasaan kami. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun or what pero parang nagtama yung mga mata naming dalawa. Para akong nakuryente ng mga sandaling yun at biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Then he smiled. Yung tipo ng ngiting parang nahiya sabay hawak sa batok niya.

And the world seems to stop moving.

Seryoso. Di ko alam kung anong nangyari after nun.

Narealize ko na lang, nagwawala na yung bestfriend ko at yung mga tao sa paligid ko dahil tapos na yung game at nanalo yung team nina Number 14. At ayon kay bestfriend, si Number 14 ang nagpanalo sa team.

Dahil biniyayaan ako ng great stalking skills, I later found out na Daniel Castrillo pala ang pangalan niya. Architecture student siya, magkasing age lang kami, and the most important information of all: SINGLE SIYA.

Simula nun, siya na si Daniel Castrillo, my forever crush.

“O dali! Picture picture!” Sigaw ko sa mga kaibigan ko habang nagkocompress sila nang magkasiya sila sa picture. Nakakatuwa kasi mga itsura namin. Naka pang Spanish era attire. Pauso ng university namin. Pero enjoy naman. So pose kung pose itong mga kaibigan ko. Tawa nga ako ng tawa sa mga pose na pinaggagagawa nila e habang nakatutok sakanila yung camera ng phone ko.

“Patingin! Patingin!” at sabay sabay po silang nagcrowd sa likuran ko para tignan kung naging maganda ba sila sa picture.

“O. Ikaw naman mag-isa, Cherry.” Hindi Cherry ang pangalan ko. Cheyenne Sakura Tolentino. Pinaglihi kasi ako ng nanay ko sa Cherry blossoms nang pinagbuntis niya ko sa Japan kaya may Sakura sa pangalan ko kahit wala naman akong lahing Hapon. At dahil parang odd na tawagin akong Sakura, natripan nitong mga kaibigan kong tawagin akong Cherry.

One Shot Short StoriesWhere stories live. Discover now