Chapter 35

25.3K 388 23
                                    

Nakaupo kami kasama ng pamilya ni Elmo. Niyaya nila kaming kumain. Hindi pa din daw sila tapos kumain, kami din naman hindi pa kumakain. Lahat nagpapakiramdaman. Walang nagsasalita. Naiilang ako. Ilang taon na din kasi nung umalis ako at hindi nagpaalam.

Nasa harapan ko si Elmo. Kalapit niya ang babaeng mukhang pumalit na sa pwesto ko sa buhay niya. Maya’t maya din siyang tumitingin sa akin. Nakakandong sa kaniya si Miracle. Walang mapaglagyan ang saya ng anghel ko ng madinig niyang si Elmo ang Dada niya.

“Sa dami ng taong makakakuha sa anak ko, ikaw pa talaga... mahal ko”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Oo! Ikaw! Ikaw nga!”

“Really momma? Dada Elmo is my real dada?”

 

 

 

 

 

 

Kumarga sa akin ang anak ko at pinaulanan ako ng halik sa mukha.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Momma! Thank you! Thank you sa surprise!”

“Surprise?”

“Yes po! Diba you said, ipapakilala mo sa akin si Dada? Thank you po momma! I love you very much!”

 

 

 

 

 

 

 

Sana nga ito ang surpresa ko sa kaniya pero ako din e, nasurpresa. Bumaba sa akin si Miracle. Lumapit siya kay Elmo at nagpakarga.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon