Chapter 11

27.8K 385 6
                                    

Pilit siyang nagpapabigat kaya ng mahatak ko siya, tumumba siya sa akin. Napahawak ako sa beywang niya at napatingin ng diretso sa mata niya. Biglang bumaba ang tingin ko sa labi niya.

 

Unti-unti na akong naglean forward sa kaniya. Muntik ko na naman siyang mahalikan kung hindi lang,

 

"Aaah" sigaw ng mga bata.

 

Natauhan si Julie at tumayo agad agad.

 

"Tara na, maligo na tayo" sabi niya at naglakad papuntang dagat

 

Ang cute. Nagblush siya, nakita ko yun. Haha

……….

"Nakakahiya" bulong ko sa sarili ko pagkatalikod ko kay Moe.

Ano kayang nakain nun at biglang bumait na naman. Naging sweet din siya simula kaninang umaga. Dahil ba sa pag iyak ko na naman kagabi? Naawa ba siya? Kailangan ko ng patigasin ang puso ko dahil alam ko, nararamdaman ko na hindi pa matatapos ang araw na ito, iiyak na naman ako.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na may umakbay sa akin. Pag lingon ko, si Moe. Napakunot ako ng noo at alam kong napansin niya yun pero nagpatay malisya lang.

"Bukas, hindi ka na pwedeng magsuot ng ganiyan" bulong niya sa akin

Hindi na lang ako sumagot dahil ayaw ko ng away.

Ang kulit niya habang naliligo kami sa dagat. Hindi ko namamalayan, napapatawa na pala ako. Kahit ngayong oras lang, ieenjoy ko muna na kasama siya. Kahit ngayon lang, papaniwalain ko muna ang sarili ko na mag asawa talaga kami at papabayaan ko muna itong nararamdaman ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon