Chapter 4

31.9K 497 4
                                    

"Yuck girl! Pagkain ba tawag mo diyan?" tanong ni Macy

Grabe naman tong mga kasama ko. Diring diri. Kulang nalang umalis sila dito sa tabi ko e. Lunch break. Nandito kami ngayon sa office ko sa coffee shop.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko dahil bigla akong nagcrave ng food. Sugod naman agad sila. Hindi ko na inisip na may trabaho silang maabala ko. Nagugutom na talaga kasi ako at gusto kong sila ang bumili!

"Kala namin new set of mixtures yang mga pinabili mo for your pastries yun pala paghahalu-haluin mo at kakainin. Yuckkk!"

"Oo nga! Kadiri lang. Pakwan ang ibinahog mo sa kanin tapos may alamang at catsup pa!" nadidiring sabi naman ni Ada

"Tapos yang inumin mo naman Mango juice with coffeemate? Ewe lang talaga!"

"Sarap kaya!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko

"Eweee"

Masarap naman talaga e! Gusto niyong tikman? Bumili kayo ng sa inyo!

"Yuck!" sabay na sigaw ng dalawa

Ganito ang araw araw na reklamo ng dalawa kong kaibigan sa akin. For the past month, naging ganito ang eating habit ko, kakaiba. At pag sinabi kong kakaiba, kakaiba talaga.

Tinignan nila ako. Para bang alien ako. Lalo naman tong si Ada, tingin nanunuri.

"Hoy babae, umamin ka nga!" sigaw nito

"Ano naman yun? Makasigaw!" sagot ko habang patuloy pa rin sa pagnguya

"May boyfriend ka ba?" usisa ni Macy

"Wala no! Ikaw lang naman ang makirengkeng sa ating tatlo na ilan na ang jowa samantalang kami, zero" sagot ko

“At idamay pa talaga lovelife ko. Ganda ko e!”

“Edi ikaw na! Congratulations diyan sa kagandahan mong hindi ko mahanap”

 ”Abat!”

"Hep. Tama na yan"

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon