Chapter 32

21.7K 360 27
                                    

Makalipas ang limang oras, bumalik na ako sa ospital. Siguro naman, nahimasmasan na ang asawa ko. Sigurado akong malinaw na ang utak niya. Na handa na niyang sabihin sa akin kung ano man ang totoong nangyari. Kung anong ginagawa nila Katrina sa bahay. Kung ano ang nangyari sa anghel namin.

 

 

 

 

Dumaan na din ako sa bilihanng prutas. Kailangan niya ng madaming vitamins sa katawan. Kailangan niyang bumawi ng lakas.

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagmamaneho ako pero hindi pa din mahinto ang pagiyak ko. Para na nga akong baliw na umiiyak habang bumibili sa tindahan. Pero wala akong pakialam. Ngayon lang nag sink in sa akin ngtuluyan na wala na ang baby ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Baby naman, bakit iniwan mo agad kami ni Mommy?”

“E..Excited pa naman akong makita ka”

“Ni hindi ko man lang nalaman ang gender mo”

“P..Pero wag kang mag aalala... H..Hindi ko iiwan ang Mommy mo. Sa tabi niya lang ako hanggang makarecover siya ng tuluyan”

 

 

 

 

 

 

 

Para na talaga akong masisiraan ng bait. Ang hirap pala talaga. Na malaman na wala na ang baby na matagal mo ng hinihintay dumating. Sobrang sakit. Bakit kailangan sa amin pa mangyari ito?

Nakabalik na ako sa hospital. Pilit akong ngumingiti. Ayokong makita ni Julie na mahina ako. Dapat ako ang maging lakas niya sa panahong ito.

 

 

 

 

 

 

 

“Julie dinalhan kita ng pru...tas. Julie?”

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon