33.) Friendship Settled

1.3K 28 7
                                    

Nadine

Justineeeeeeeeee!!!!!!!", sigaw ko nang may bumuhos sakin ng napakalamig na tubig. "Pakyu ka talaga!", hanggang ngayon tawa pa rin siya ng tawa.

"Yan... Kasi naman kanina ka pa ginigising, ayaw mong magising. Yan tuloy. Tsk, tsk.", ngumisi pa siya at  itinaas yung kilay niya nang sabay.

Umupo na 'ko sa kama at kukunin na sana yung sapatos ko upang sapatusin siya pero nakatakas pa -__- May araw rin talaga siya sakin.

Langya talagang lalaki na yun. Papalabhan ko 'tong bed sheet sakanya mamaya. Makikita niya.

Tumayo na ako ng kama at dumiretso nang cr upang makaligo na. Humarap ako sa salamin sa banyo at inayos yung buhok ko.

Pansin ko nga pala na parang umiiwas na si Hendricks sakin. Siguro na-realize niya na hindi talaga siya magkaka-chance sakin. Buti naman ^_^

Nagsimula na akong maligo at nang matapos ko na ay lumabas na ako, sinimulang magbihis at saka mag ayos.

Bumaba na ako ng hagdan at sinalubong ako ni mama't yaya.

Si Justine? Ewan. Natakot siguro sa 'kin. Haha.

"Nak, breakfast ka oh." aya ni mama habang kumakain siya. Si yaya naman nagwawalis.

"Di na ma. I'm in a hurry, and one more thing, busog naman ako eh."

"Talaga? Eh kung hampasin kaya kita? De, biro lang nak. Pero busog? Kumain ka ba kanina habang natutulog ka? Huwaw."

"Ehh basta ma. Busog is me. Geh bye po. Kitakits na lang tayo later." kinindatan ko pa si mama at lumabas na ng bahay.

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now