2.) Higschool Life Begins

4.7K 92 15
                                    

Nadine

"Mahal na mahal ka namin ni mama."

Hindi ko na din napigilan na mapaiyak dahil sa umiiyak na rin yung kapatid ko. Although, 1 year lang yung gap namin. 12 ako ngayon at siya naman 11. Next week magthi-thirteen na ako and i'm so damn excited about it.

"Anak, ba't umiiyak yang kapatid mo?", pareho kaming nagulat ni Justine dahil sa boses ni mama.

"Uh. W-wala ma. Nagbibiruan lang kami kaso pikunin talaga 'to eh kaya ayun umiyak.", tinignan ako ni Justine ng masama. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at naintindihan rin niya iyon.

Ayaw ko na kasing pagusapan pa si papa sa harap ni mama dahil sigurado akong iiyak na naman siya ng dahil dun. Mahal na mahal niya eh. Pero siguro nga hindi sila ang para sa isa't isa.

"Ahhh. Ganun ba? Ohsige magluluto na ako para makapag ready na kayo sa school."

"Uhm ma, nakapagluto na po ako diyan. Kasi po maaga akong nagising at hindi na ako makatulog ulit kaya naisipan ko na lang na ako na yung magluto ng breakfast.", ngumiti ako kay mama. Habang eto namang si Justine ansama parin ng titig sakin ayaw kasi niyang tinatawag siyang pikon. Dahil hindi 'daw' siya pikon. Eh ano ngayon? Hindi ba pikon tawag dito? Pshhh. Abnormal talaga eh.

"Good. I'm glad kasi marunong ka nang magluto kahit fried rice lang.", nakapoker face parin si mama. Bakit kaya?

"HAHAHAHAHAHA!", napalingon kami pareho kay Justine. Ano bang problema ng abnormal na 'to?

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now