27.) Baby

1.2K 40 2
                                    

James

This is so fvck. Hindi parin ako makatulog dahil sa uuwi na sina mom bukas. For now, dalawa lang kami ni Nady yung andito sa loob. Pinauwi ko na muna sina Drake. Si Nady, pinapauwi ko, pero ayaw niya.

"J-james? Matulog ka na. Bawal ka mag-puyat sabi ng doctor.", nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. Akala ko ba tulog na 'to?

"H-ha? Gising ka pa pala. Ginulat mo naman ako. Mamaya na. Uhm kasi...", sambit ko.

"Tsk. 12:30 na oh. Matulog ka na. Bawal ka nga mag-puyat diba?", sarcastic niyang sabi.

*Brizzz brizzz*

Nagkatinginan kami. Nag-aalalangan kung sakin ba yun o sakanya. Magkapareho kasi kami ng ringtone eh. Napatingin kami pareho sa desk at cellphone niya pala yung tumunog. Agad na niya iyon kinuha.

"S-sino yan?", takot na tanong ko dahil baka si tita na naman or si mom.

"Ah. Si Cassy.", sagot niya. 'Di parin ako nakuntento at inagaw ko yung phone sakanya. "Hoy! Ano ba."

Agad ko nang binasa yung text.

From: Cassy
-CuPcAke GhiSiNg PhA U? 'WaG kA nA pAlA BuMalIk nG SchoOl BhUkAS Ah? WhaLa na tAyoNg PaSok bUkas DaHiL sA NexT W3ek Na rAw UnG ReCognITion naThin. SoRRy NgaYun Lhanq MeH nAkHaText NkhaLimhutAn kO KaSI eH. HeHeHe.

Napatawa ako sa nabasa 'ko.

"Ang jeje naman netong si Cassandra. Hahaha!", sambit ko habang tumatawa.

Natawa na rin si Nadz. "Oo nga. Ngayon lang yan nagkaganyan. Ewan nga eh, baka nakaturok yan ng siyam na tabletas. Hahaha!", sambit niya. "Akin na nga 'yang phone ko! Magrereply pa 'ko sakanya."

"Sandali lang. Kalma.", sambit ko.

Parang may nakita kasi ako na Baby yung first na word sa messages niya eh.

"Woy! Ano yan ah?", sambit niya habang aagawin na naman sana yung phone niya.

"Kalma ka nga. Sandali lang.", natatawang sambit ko habang nilalayo yung phone sakanya.

Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. BABY JAMES.

BABY JAMES...

BABY JAMES...

BABY JAMES...

Ewan pero parang nagdiriwang yung lahat na cells ng katawan ko.

"Oy ano yan ah?", takang tanong niya.

"Ano to?", nakangising sambit ko habang ipinapakita sakanya yung pangalan ko sa phone.

"Ha? Ah eh... H-hindi ikaw yang James na yan.", nahihiyang sambit niya.

"Hindi ako?", ini-click ko yung convos namin at pinagsco-scroll down yung mga messages. "Eh ano 'to? Usapan natin 'to diba? Text natin to sa isa't isa tapos 'di ikaw? Witwew.", nakangising sambit ko.

"Eh kasi...", napakamot siya ng ulo. "Akin na nga yan!", ani niya sabay hablot ng cellphone sakin.

Parang may ginawa siya sa na something sa cp niya dahil nagta-type siya. Titignan ko na sana kaso nilayo niya yung cp sakin -_________-

"Matulog ka na nga diyan.", sambit niya habang nilalagay sa bag nya yung cp. Napailing na lang ako habang nakangisi. Agad na siyang bumalik sa pagkatulog.

Napangiti na lang ako at itinikom yung mga mata ko upang matulog na.

May gusto ba sakin si Nady? Oh well, wala namang kaso yun eh. Basta siya...

***

Lalagyan ko pa po 'to ng continuation kaya don't yah worry <3 

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now