14.) Revealed

1.5K 44 0
                                    

Nadine

Andito ako ngayon sa labas nang bahay nakatunganga. Paano ba naman kasi, pagkatapos namin makauwi parang naging tahimik na yung buhay ko. Hayst! Wala kasi si Justine dito ngayon. Wala rin si mama kasi dun siya kay tita nag stay. Eh sa ayaw ko sumama dun. Mas boring dun nu. Si Justine naman, nagbakasyon sa Cebu kasama mga kaibigan niya. Kaya walang nang-iinis sakin. Hehehe.

Ang tahimik rin nang daanan dito. Subdivision kasi 'to eh kaya walang taong tumatambay, walang ingay at kung ano pa na makikita sa eskwater.

"Pst!", nagulat ako sa nagsalita. "Pst!", binaling ko ang tingin ko sa kabilang parte.

Dun, nakita ko ang isang gwapong lalaki na nakatayo habang ngiting-ngiti. Pero teka may bitbit siya. Sana pagkain, sana pagkain. Huhu. Gusto kong kumain ng chocolate eh.
Habang papalapit siya sakin naramdaman ko yung matinding pagtibok ng puso ko.

Tug dug! Tug dug! Tug dug! Tug dug! Tug dug!

Ewan ko ba ba't nangyayari 'to. First time 'to sa boung buhay ko na tumibok ng ganito nung nakita ko si JAMES.

"Oh ba't nakatulala ka diyan?", nagulat ako dahil nasa harap ko na pala siya.

Omo! Nalutang ba talaga ako?

"Ah eh. Kasi, wala lang.", ang shunga ko naman sa sagot kong yun. Taena this!

"Sus. Wala? Eh ang lalim nga nang iniisip mo kung titignan eh. Asan ba sina tita?", nakangiting tanong niya.

"Umalis. Si Justine naman sa Cebu with his friends.", sambit ko.

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now